Chapter 3: Ang Kababata't ang Matalik na Kaibigan

1.2K 97 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Si Barda ay malaking babae, hindi lang sa hubog ng katawan kundi pati na rin sa height, 5'10". At ang pakakasalan niya na si Jimwell ay bahagya lamang na aabot ng 5'0". Pasintabi, hindi malaking unano si Jimwell, proportion siya. In fact, napaka-proportion niya na para ba siyang average height na lalaki na ni-reduce lang ang size. Scaled-down ikanga. Parang hobbit lang. At si Barda. Hindi naman pangit si Barda, may taglay na kaaya-ayang katangian sa mukha nito—mahaba ang buhok at may kambal na malalim na mga dimples. Kung kausap mo ito kunwari face-to-face habang nakaupo ay okay naman, subali't 'pag tumayo na at mamalas mo ang kalakihan niya'y medyo nakakagulat lang. Ito ang karanasan ng karamihan sa mga naka-date niya na pawang mga nag-disappear pagkatapos, kung kaya't after nilang magdate ni Jimwell noon at mag-aya pa uli ang munting lalaki, ay naramdaman ni Barda na baka true love ito, bagama't may 10-inch na diperensya sa kanilang height.

Nakaupo sila sa sala, magka-holding hands nang dumatig sina Manuel at Openg.

"Manuel!" masayang bati ni Barda. Tumayo ito at nagbeso kay Manuel. Hindi nga beso lang, pagka't naramdaman n'yang basa ang labi ni Barda. Nailang si Manuel. Iyong feeling na gusto mong pahirin ang pisngi mo pero hindi puwede. Ang lagay eh hindi niya type si Barda. Kaibigan lang turing niya dito kahit na obvious na me gusto sa kanya. Kung kaya't ang beso nila'y sali-saliwa at awkward. Bumalik si Barda sa tabi ni Jimwell habang naupo sina Manuel at Openg sa tapat nila.

"So, kailan ang kasal n'yo?" sabik na tanong ni Openg.

"Sa isang buwan pa po, Ka Openg," sagot ni Barda at kanyang inabot ang invitation.

Ang printed invitation. May burda ito sa gilid at sa loob ay may picture ni Barda at Jimwell na kinunan sa studio. Yung tipong misty sa edges. At sagrado ang make-up nila. Maging si Jimwell animo'y may lipstick at ayos ang kilay.

"Ay ang ganda naman!" pahayag ni Openg.

Ngumiti si Barda, "Lumuwas pa kami ng siyudad para magpakuha ng litrato!"

Pinakita ni Openg kay Manuel ang invitation. Isang tingin sa litrato ay parang gustong mag-"eww" ni Manuel, kinuha niya ang invitation at kunwa'y hinangaan.

"Manuel, kilala mo na ba si Jimwell?" tanong ng ina sa kanya.

Hudyat ito para magkatinginan sina Manuel at Jimwell at magpalitan ng manly na mga ngiti.

"Pare, lagi kang nababanggit sa akin ni Barda," sabi ni Jimwell na kaswal, although sa mga lalaki, may tono ito ng konting hinala. Konti.

Tumango lang si Manuel at nakita niyang nakangiti si Barda sa kanya, nagbu-blush. Kung bakit, ay si Openg ang nagbigay liwanag.

"Ay naku, Jimwell, sobrang close ng dalawang ito nung mga bata pa sila," sabi ni Openg. "Aba'y akala nga namin silang magkakatuluyan!"

Naubo si Manuel, parang gusto niyang busalan ang ina. Si Jimwell naman ay biglang tumaas ang kilay.

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon