Chapter 24: Huling Hapunan

803 82 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang mahabang mesa ay nasa gitna ng simbahan. Nakaupo si Manuel, kasama ang 12 niyang mga disipulo: Pitoy, Berto, Dumas, Ato, Isko, Siso, Andoy, Pilo, Jayme, Jimwell at ang dalawang sakristan. Maraming handa sa mesa: litson manok, liempo, kaldereta, piniritong isda at mga gulay. May softdrinks at alak. Masaya silang kumakain.

            "Huy! Dahan-dahan sa pagkuha, para kayong mga patay-gutom!" sita ni Pitoy sa kanila pagka't ambibilis nilang magsikain.

            "Eh, growing kids kami eh," sabi ng isang sakristan.

            "Mabilis ang metabolism namin," sabi ng isa pa, sabay kagat sa paa ng manok.

            "Ano daw?" kamot ni Jayme hindi tanto ang kataga.

            "Mabilis matunawan," sabi ni Siso habang hinihiwa ang liempo niya.

            Bumaling si Dumas kay Jimwell.

            "Ikaw, Jimwell, growing kid ka din?"

            "Ulol," simangot ni Jimwell.

            Nagtawanan lahat.

            Nagtagay ng alak si Isko at itinaas.

            "Toast tayo, mga pare!"

            Itinaas nilang mga baso.

            "Kay Manuel," sabi ni Isko. "At sa Simbahan ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo!"

            Masaya silang nagtoast.

            Pero, may bahid ng lungkot sa mukha ni Manuel. Ang mga ngiti niya'y tila pilit. At ito'y napansin ni Pitoy. Sa kalagitnaan ng kasiyahan, tumayo si Manuel para lumabas.

            Sa gilid ng simbahan, nagsindi ng sigarilyo si Manuel. Maya-maya'y lumabas din si Pitoy at lumapit sa kanya. Alam na niyang may dinaramdam ang kaibigan.                   

            "Anong problema, Manuel?"

            Hindi umimik si Manuel.

            "Sabihin mo sa akin. Kausapin mo ako."

            Tumingin si Manuel kay Pitoy. Hindi na niya natiis na hindi sabihin ang niloloob.

            "Hindi tutoo ang milagro, Pitoy. Wala akong kapangyarihan."

            Hindi makapaniwala si Pitoy sa narinig.

            "Anong pinagsasabi mo? Nakita ng mga mata ko mismo ang mga milagro," sabi ng disipulo.

            Pinaalala ni Manuel ang milagro kamakailan lamang. Si Erlinda na may bronchitis, naka-oxygen mask at oxygen tank.

            "O, napagaling mo siya! Nakakahinga na siya ng mabuti," tugon ni Pitoy. "Pinagaling siya ng dasal mo, ng kapangyarihan mo..."

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon