Chapter 26: Wakas

1K 105 16
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ONE YEAR LATER.

Araw ng bagsakan ng mga paninda sa palengke sa bayan ng Dinagatan. Madaling-araw pa lang, madilim pa ang kalangitan ay napupuno na ang labas ng palengke ng mga sasakyan, dyipni, tricycle, delivery trucks—ng mga mangangalakal, mangangaso, magsasaka't mangingisda na maingay na kausap ang mga tindera't tindero na sa kanila'y nakikipagtawaran. Sa paligid, nakikisali na rin ang mga mamimili na nais makakuha ng discount sa gulay, sa karne o isda bago pa ito mapakyaw.

"Siyento-diyes na lang ang atay-balunan mo," tawad ng lalaki.

"Ilang kilo ba kukunin mo?" tanong naman ng tindera.

Sa tabi, kahit sa gulay ay may labanan ng presyo.

"Magkano ang kamatis?" tanong ng babae.

"Sisenta ang kilo, ho," sabi ng tindero.

"Wala na bang bawas?"

Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahilan ng masamang panahon. Sunod-sunod ang nagdaang bagyo kaya't walang magawa ang mga tao sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Apektado lalo ng delubyo ang mga mangingisda, at sa kanilang mga huli tulad ng Bangus, Galunggong, Bisugo, Alumahan, Dalagang-bukid, Tambakol, Sapsap, Maya-maya, Hiwas, Tilapia at iba pa, pahirapan ang presyong usapan.

"Pitoy, bigay mo na sa 'kin ito sa nubenta ang kilo," sabi ng matabang lalaki na may puwesto sa palengke. "Ano? Okay na 'yan!"

Sa gitna ng lalaki at ng kausap ay isang timba ng sari-saring isda. Ang presyuhan ay pakyawan.

Nakatingin ang lalaki sa kanyang timba—si Pitoy. Isang taon ang nakaraan simula nang bumagsak ang simbahan, at siya'y nagbalik sa tanging bagay na alam niya at ito'y ang pangingisda. Ngayo'y makapal na ang kanyang balbas at buhok.

Hindi naman na kailangang mag-antay pa ng matagal ng matabang lalaki, dahil agad namang tumango si Pitoy.

"S-sige."

Kinuha ng lalaki ang timba at ibinuhos ang mga isda na may kasama pang tubig alat sa isang malaking batya. Nagsipagtalunan ang ilang sariwang isda at pinulot ng lalaki.

Halata sa mukha ni Pitoy na tila wala naman siyang ganang makipagtalo. Sapat nang makabenta siya ay okay na. 'Di tulad nang dati na masigasig siyang magpataasan ng presyo, 'di tulad ng dati na hindi siya papayag hangga't hindi tapat ang usapan. Hindi tulad ng dati. Noon. Siya at si Manuel.

May naiwang dalawang isda sa ilalim ng timba. Kukunin sana ito ng lalaki, pero:

"Iwan mo na 'yang dalawa," sabi ni Pitoy.

Tumango ang lalaki at inabot kay Pitoy ang bayad niya, "O, heto, pare, sa uulitin ha."

Dinampot ni Pitoy ang kanyang timba na may dalawang isda at tumalikod upang maglakad paalis. Sa paglakad ay nasagi siya ng isang lalaki na nagdedeliver ng mga gulay, dala ang crate ng sibuyas at bawang.

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon