Chapter 7: Simba

942 93 9
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masigasig ang tilaok ng manok ni Sebyo. Dumilat si Manuel at pagbangon niya'y napa-aray siya. Ang mukha niya'y namamaga, ang buong katawan ay masakit. Gawa ito ng bakbakan kagabi.

Biglang may malakas na katok sa pinto. Blag! Blag!

"Manuel! Gising ka na ba?" sigaw ni Openg sa kabila ng pinto.

Mabagal na binuksan ni Manuel ang pinto, at bahagya lamang, kanyang itinatago ang pasa sa mukha.

"Tanghali na't natutulog ka pa?" sita ng kanyang ina.

"Eh, 'Nay, linggo naman," dahilan ni Manuel.

Napansin ni Openg ang namumulang mukha ng anak at kanyang tinulak ang pinto.

"Ano'ng nangyari sa mukha mo? Ba't puro pasa ka?"

Nagkakamot na lumakad tungo sa kusina si Manolo, kasunod sa likuran si Openg na patuloy sa pagtatanong.

"Ano bang nangyari sa'yo ha?"

Sa kusina, naroon na si Sebyo at nagkakape, at nagulat din.

"O, anong nangyari sa 'yo? Napaaway ka?" tanong ng ama.

Kumuha ng tasa si Manuel at nagsimulang magtimpla ng kape.

"Opo, 'Tay. Sa beerhouse."

Nanlaki mata ni Openg.

"Beerhouse?! Diyos na mahabagin!"

"'Yung beerhouse sa bayan?" sabi ni Sebyo dahil pamilyar siya. "Aba'y magaganda mga babae doon a!"

"At bakit mo naman alam?" nakasimangot na tanong ni Openg, handa na siyang bigwasan.

"Ah eh, napadaan lang ako," mabilis na usal ni Sebyo, nadulas siya sa pananalita.

Hindi naalis ang simangot sa mukha ni Openg at kanya pa itong idiniin sa asawa na umiwas ng tingin. Bago, lumingon siya sa anak na naupo na at umiinom ng kape.

"Anak, ibig mong sabihin kasa-kasama mo ang mga babaeng mababa ang lipad?"

Biglang naalala ni Manuel si Layla. Si Layla at ang kanyang mapungay na mga mata, mapupulang labi at malulusog na dibdb. Sa pagbanggit ng pangalan ng G.R.O. ay parang nakaring siya ng kabaret music.

"Manuel!"

Nahilamusan ang daydream ni Manuel sa lakas ng boses ng ina.

"E 'Nay, mababait naman 'yung mga hostess. Maasikaso nga eh."

Napa-kurus si Openg.

"Diyoskopo! Kailangang sumama ka sa amin ng ama mong magsimba! Humingi ka sa Diyos ng kapatawaran!"

Napakamot ng ulo si Manuel.

"'Nay naman..."

Pinagdilatan siya ng ina.

"Dali magbihis ka na! Dali!"

Inis na tumayo si Manuel at pumasok sa kanyang kuwarto.

"Puweda bang maligo muna?"

"Dali!" matapang na ulit ni Openg.

Pero, nang lumabas muli si Manuel ng kuwarto dala ang tuwalya, ay:

"Anak, ah eh, sumuweldo ka na ba?" maamong tanong ni Openg.

Umiling si Manuel, tapos ay dumukot sa bulsa at inabutan ng pera ang ina.

Ngumit si Openg, hawak ang pera at tumingin sa langit.

"Thank you, Jesus!"

Napasimangot si Manuel, at sa kanyang isip, Thank you, Jesus? Eh, sa akin kaya galing ang perang 'yan. Umiiling siyang naglakad tungo sa likod para maligo.

#

Maliit lang ang parokya sa lugar nila. Gawa sa kahoy at simento, nakapaguupo lamang ng hanggang singkwentang katao.

Magkasabay na naglakad sina Manuel, Openg at Sebyo tungo sa simbahan. Nakapangsimba ang mag-ama ng short-sleeved na polo at nakapomada ang mga buhok. Si Openg nama'y blouse na puti. Kasabayan nila'ng ibang mga pamilya na nakabihis din pagpasok ng simbahan.

Sa upuan, napagitnaan si Manuel ng kanyang mga magulang. Si Openg ay nakikinig na mabuti habang si Manuel at Sebyo ay napapayuko at inaantok.

Ang pari ay si Father See na singkwenta-anyos na't napapanot na sa tuktok. Nasa mukha niya ang isang mapang-husgang pari. Mapangaral at strikto.

"...sabi sa 1 Corinto 6, "Kukunin ko ba ang bahagi ng katawan ni Kristo upang gawing bahagi ng katawan ng isang babaing nagbebenta ng aliw? Hinding-hindi! Hindi ba ninyo alam na nagiging isa ang katawan ng bayarang babae at ng nakikipagtalik sa kanya? Sapagkat sinasabi sa kasulatan, "Ang dalawa'y magiging isa."

Kung bakit nagkataong ito ang homilya. Um-echo sa tenga ni Manuel ang mga salita ng pari: Katawan. Babae. Aliw. Talik. At naisip niya si Layla: ang mahaba niyang buhok, ang kanyang makinis na legs. Ang kamay niya na gumagapang sa kanyang hita. Ang kamay sa kanyang hita! Diyoskopo!

Nakaramdam ng panghihina si Manuel.

Habang patuloy si Father See sa pagsesermon, si Manuel nama'y nanumbalik ang pagnanasa kay Layla. Nakaramdam siya ng paninikip ng pantalon. Paninigas sa ibaba. Pinagdikit niya'ng kanyang mga hita upang itago ang paninigas at tinakpan pa ng dalawa niyang kamay.

Napansin ni Openg ang malikot na galaw ni Manuel.

"Manuel, anuba't ang likot-likot mo?" sabi niya.

Hindi mabura ni Manuel ang imahen ni Layla sa kanyang isipan. At biglang:

"Magsitayo po tayong lahat," sabi ng pari.

Nagsitayuan ang lahat. Pero, hindi si Manuel. Nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang pantalon.

"Huy!" kalabit ni Openg. "Tumayo ka nga."

Nahihiyang tumayo si Manuel at nanlaki mata ni Openg sa nakita.

"Diyos na mahabagin!"

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon