Chapter 15: Simula ng Pagtuturo

925 82 21
                                    


Unang araw ng pagbubukas ng Church of the Second Coming of Christ o sa Tagalog ay Simbahan ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unang araw ng pagbubukas ng Church of the Second Coming of Christ o sa Tagalog ay Simbahan ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo. Ni-literal lang nila. Pinakalat nila ang balita na nagbalik na si Hesukritso sa katauhan ng isang abang mangingisda, isa sa kanila, tubong Dinagatan, at handang ituro ang bagong daan. Si Kristo mula sa dagat na asul!

Nasa tapat ng multi-purpose hall na kanilang ginawang simbahan ang mga disipulo at binabati ang mga taong pumapasok. Nagdagsaan ang mga tao dahilan sa kuryosidad, at ang bali-balita sa nangyari sa kasalan nina Jimwell at Barda, ay napuno sila ng pagkasabik na makakita ng milagro.

Magandang umaga, pasok po kayo, ang bati nila.

Si Pitoy ang nangunguna sa kanila.

"Pasok po, pasok po," anyaya niya.

Maya-maya'y dumating si Berto galing sa loob ng bulwagan.

"Puno na sa loob," aniya. "Mabuti pa huwag muna tayong magpapasok. Siksikan na."

Tumango ang mga disipulo, at pinutol ang pila ng mga tao.

"Pasensya na po," sabi ni Pitoy sa kanila. "Hindi na po kasya sa loob. Kung maaari, magbalik na lang po kayo bukas."

Dismayado ang mga tao na nagsipagtalikuran at lumakad paalis.

"Pramis! Andito si Manuel bukas," pahabol ni Dumas. "Agahan n'yo na lang!"

Nang nagsialisan na ang mga hindi umabot sa quota ay nagsipasok ang mga disipulo sa loob at sinarang pintuan.

#

Ang iba'y nakatayo na pagka't hindi sapat ang mga plastik na upuan sa dami ng dumalo. At ito'y iba't-ibang klase ng tao. Karamihan lamang ay mga matatanda na madaling nabighani sa balita. Nakapaligid ang mga disipulo sa mga kanto na para bang mga bodyguards habang si Manuel ay nasa gitna, sa stage, at hawak ang micropono. Malapit lamang sa kanyang tabi ay naroon si Isko na may sarili niyang micropono at nagsisilbi na parang pangalawang boses o isang emcee na nagtataguyod sa takbo ng pagtuturo.

At si Manuel? Ang simpleng mangingisda ngayo'y nasa sentro ng lahat. Hindi tulad ng maingay na mga preacher na nakikita sa TV, nguni't parang isang guro na may malumanay na boses na naghahatid ng balita sa tono na payapa't masarap pakinggan sa tenga.

"Masama bang humingi ng sobra sa Diyos?" tanong ng isang lalaki.

At siya'y sinagot ni Manuel.

"Walang masama dito kung maganda naman ang iyong intensyon. Kayo ba'y naniniwala sa kapangyarihan ng dasal?"

Magkakasabay na sagot ng "oo" kasamang tanguan.

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon