Chapter 21: Saya't Lungkot

825 83 17
                                    

Umulan dakong alas tres ng hapon kaya't nagputik ang lupa at nag-iwan ng tubig sa mga butas sa kalsada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umulan dakong alas tres ng hapon kaya't nagputik ang lupa at nag-iwan ng tubig sa mga butas sa kalsada. Gumapang ang maalat na amoy ng dagat kasabay ng malagkit na hangin paakyat ng dalampasigan. Para kina Manuel at kanyang mga disipulo, simoy ito ng kaluwalhatian.

            "Ahh, namimiss ko na ang dagat..." buntong-hininga ni Berto.

            Mane-maneho ni Jayme ang delivery truck katabi si Pilo sa harapan. Sa likuran ay sakay sina Jimwell, Berto, Dumas, Pitoy at Manuel. Galing sa simbahan, sila'y pauwi na. Nakagawian na ang hatiran ay ayon sa pagkakabanggit ng kanilang mga pangalan. Sina Jayme at Pilo ay taga ibayo pa, kaya't nauuna ang limang kasamahan sa likuran. Hindi sa kanila sumasabay sina Isko, Siso at Andoy na taga-bayan. Si Tiyo Ato ni Manuel nama'y taga-purok sa ibang bahagi ng bayan, at ang dalawang sakristan ay mas maagang umuuwi sa kanila gawa ng pumapasok pa sa eskwela kinabukasan. 

            "Matagal-tagal na din tayong hindi pumapalaot ah," muni ni Dumas.

            Noong nagsisimula pa lamang sila sa pagtatayo ng Simbahan ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo ay may oras pa sila na mangawil at manglambat. Nang lumipas ang buwan pa lamang ay nagtriple na ang nagpupunta doon, kaya't ang natatanging araw nila na mangisda ay nauuwi na lamang sa pagpapahinga.

            Wala naman silang reklamo sa kinikitang pera na donasyon ng mga tao, daig nito ang nakukubra nila sa pagbebenta ng isda, pero, mga taong dagat sila, at hanap ng katawan nila ang nakagisnan. Maging ang dagat ay hinahanap sila.

            "Namimiss mo ba ang dagat?" tanong ni Pitoy kay Manuel. Magkatabi sila sa likuran.

            Ngumiti si Manuel.

            "Alam mo namang oo," aniya.

            "Ako din," muni ni Jimwell may ningning sa mga mata at napasalumbaba. "Miss ko na rin ang dagat."

            "Ikaw?" turo ni Dumas. "Eh marunong ka bang lumangoy?"

            "Eh sa pampang pa lang malulunod ka na!" dugtong ni Berto.

            Nagtawanan sina Dumas at Berto. Ganun din sina Pilo at Jayme sa harapan.

            "Gago! Marunong akong lumangoy ano! Gusto mo sumisid pa ko eh," banat ni Jimwell.

            "O baka kamo ibang sisid ang sinasabi mo," hirit ni Pilo sa harapan.

            "Oo, sisid...kay misis..." sabi ni Jayme na nagmamaneho.

            Malakas na tawanan. Maging si Manuel ay hindi nakapagpigil.

            "Mga ungas!" simangot ni Jimwell at tumingin sa malayo. "Aayain ko pa naman sana kayong maghapunan sa bahay dahil nagluto si Barda ng bulalo. Pero, kalimutan n'yo na."

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon