Chapter 11

13 5 4
                                    

Chapter 11
"Right-Hand Symbol"

"What do you mean I disobey the law? What law? What did I do? Naaksidente ba talaga ako dati? Please tell me."
I said.

"April bukas nalang yan sayo ikukwento ni Gabriel. Kasi siya ang nakakaalam ng lahat ng nangyari. Sa ngayon pag usapan muna natin yang nasa kamay mo."
Siryosong sabi ni mommy.

Bumalik na si daddy sa sala at umupo na siya sa tabi ni mommy. Si Grace naman ay umupo na ulit sa tabi ko.

"Oh heto na ang excuse letters niyo ha. Bukas huwag muna kayo pumasok. Ako na magdadala nito sa mga teachers niyo."
Sabi ni daddy.

"Alam mo ba na aabsent tayo bukas Grace?"
Tanong ko.

"Oo April. Sinabihan ako kanina ni tita about sa nangyayari. Nahawakan ka kasi ng isang Belial kaya ka nagkaroon ng marka sa kanang kamay mo. At hindi magandang pangyayari yun."
Sagot niya.

"April alam mo ba kung sino ang may gawa niyan sayo? Or pano ka nagkaroon niyan? May kakaibang tao ba na lumapit sayo?"
Tanong ni mommy.

"Wala po akong ideya talaga kung saan galing to ehh. Ano po ba ito.?"
Tanong ko.

"Yan ay isang simbolong gawa ng isang Belial gamit ang kanilang Black Magic. Hindi talaga namin alam ang pinakatawag jan. Tanging Right-Hand Symbol ang tawag namin sa ganyan.
Paliwanag ni Jonas.

"Right-Hand Symbol? Talagang pinag isipan niyo nang maigi ang magiging tawag niyo dito ha. Hahahahah."
Biro ko.

"Hindi nakakatawa ang sitwasyon mo ngayon. Ibig sabihin niyang marka na yan ay may link na sayo ang Fallen na amo ng Belial na may gawa niyan sayo."
Pagalit na sabi ni Grace.

"Sorry na po. Ibig po bang sabihin niyan alam na nila kung nasaan ako?"
Tanong ko.

"Hindi pa. Sa ngayon."
Sabi ni Jonas.

"Oo anak hindi pa sa ngayon. Pero sa oras makumpleto na ang pangalan jan sa kamay mo. Ibig sabihin nun. Magagawa na nilang makuha ang puso mo."
Sabi ni daddy.

Akala ko ba hindi siya nakakakita o nakakarinig nang mga bagay na nakikita o naririnig namin? Bakit parang narinig niya ang sinabi ni Jonas? -.-

Tinignan ko ang kamay ko at wala naman akong nakitang letters. Tanging yung weird symbol lang.

"Wala naman po akong nakikitang letters ehh. Symbol din po ba yung sa pangalan na sinasabi niyo.?"
Tanong ko.

"Hindi April. Letter talaga. Kaya yun ang dapat nating maiwasan ang makumpleto ang pangalan sa marka na nasa kamay mo."
Sabi ni mommy.

"Pangalan po nino?"
Tanong ko.

"Pangalan ng isang Fallen."
Sagot ni Gabriel.

Ayt andun pa pala siya. Hindi ko na siya napansin kasi kanina pa siya walang imik ehh.

"Eh Gabriel. Diba tutulungan mo naman ako. Hindi mo ko hahayaang mapahamak diba? Babantayan mo naman ako diba?"
Nakangiti kong sabi.

"Oo naman. Hindi kita hahayaang masaktan. Babantayan kita kahit buhay ko pa ang maging kapalit.
Nakangiti rin niyang sabi.

"Ang pogi naman ng Guardian mo April. Naiinggit ako sayo buti ka pa."
Natatawa niyang sabi.

"Hoooyy anong ibig mong sabihin ha? Higit na mas gwapo naman ako jan kay Gabriel nuh. Mas matangkad lang siya."
Sabi ni Jonas.

Lahat kami ay nagtawanan sa asaran nung dalawa. Oo as in lahat. Kasama si daddy. Siya pa nga unang tumawa pagkatapos magsalita ni Jonas eh. At patuloy na nag aasaran yung dalawa at puno nang tawanan ang bahay namin.

The Other WayWhere stories live. Discover now