Chapter 31

5 3 0
                                    

Chapter 31
"Seekers Heart"

"Welcome sa aming munting bahay Kenji."
I smiled.

"Mommy, Sarah ito nga pala si Kenji ang bagong member of our family."
I added.

Mommy and Sarah were shocked to see Kenji. Daddy can't see him. Mommy pulled me and Grace away from Kenji.

"Ano bang nasa isip niyo at nagdala kayo ng kampon ng impyerno dito sa ating pamamahay ha anak?"
Sabi ni mommy.

"May kasama ba sila? Sino? At bakit parang hindi niyo ito nagustuhan?"
Sabi ni Daddy.

"May kasama silang Imp daddy. Isa sa mga mapanganib na nilalang na alagad ng mga demonyo."
Sabi ni mommy.

Ibang iba naman si Kenji kesa kay Kyuuro. Si Kenji ay kayumanggi, 3'5ft ang laki niya, mahahaba rin ang tenga niya. Ang kinaibahan lang wala siyang mahahabang kuko at pangil tulad ni Kyuuro. At higit sa lahat mabuti siya.

"Mommy hindi naman po ganun si Kenji. Iba po siya sa mga alam nating Imp. Mabait po siya. Tinalikuran na po niya ang kasamaan. At wala na siyang ibang mapupuntahan pa. Kaya napag isipan kong kupkupin nalang siya kasi kawawa naman siya."
Sabi ko.

"Pero anak Imp parin siya. Gumagamit yan ng black magic. Marahil kinuha niya lang ang kalooban mo para mapalapit siya sayo."
Sabi ni mommy.

"Oo nga po tita eh yan din ang sinabi ko kay April kanina."
Sabi ni Grace.

"Pati ba naman ikaw Grasyaaa. Akala ko ba okay na tayo kay Kenji?"
Sabi ko.

"Oo nga. Wag kang mag alala may tiwala ako sa mga desisyon mo. Hayaan mo lang akong masanay sa kanya. Kasi diba, kailan lang may kinalaban tayong kauri niya. Mapanlinlang sila kaya hindi naman masamang mag ingat April."
Sabi ni Grace.

Nagtago sa likuran ko si Kenji kasi nahihiya siya sa pamilya ko. Feeling niya hindi siya matatanggap sa tahanan namin.

"May tiwala ako kay Kenji. Lahat naman ng masasama ay may karapatan ding magbago at matanggap ng iba. Naniniwala parin akong hindi lahat ng nakakulong ay masasama. At hindi lahat ng nagsisimba ay mabubuti. Everyone deserves a second chance. Try him."
I said.

"Aking mga Panginoon. Ako ay maglilingkod sa inyo ng buong buhay ko. Maaari niyong lagyan ng sumpa ang aking puso kung gusto niyo para kung tama man ang hinala niyo sakin ay buhay ko ang magiging kapalit."
Sabi ni Kenji.

Maaari palang gawin yun ng mga Seeker?

Lumuhod siya sa harapan naming lahat. At kitang kita ang lungkot sa kanya.

"Oh sige na tumayo ka na jan. At huwag mo kaming tawaging Panginoon dahil hindi kami diyos. Atsaka hindi ko gagawin ang sinabi mo. Dahil hindi narin kami naiba sa mga Fallen kapag ginawa namin iyon. May tiwala ako sa anak ko kaya wag mong sisirain ang tiwala niya sayo maliwanag ba?"
Sabi ni mommy.

Tumayo na sa pagkakaluhod si Kenji.

"Masusunod po. Aking karangalan ang paglingkuran kayo. Nga pala hindi po ba Seeker ang iyong asawa Madam?"
Sabi ni Kenji.

"Nakuuuu. Tita Emely nalang ang itawag mo sakin. Nagmukha naman akong doña sa sinabi mo. Ahahah. Oo eh hindi siya Seeker. Ngayon sabihin mo sakin. Ano ang Pangalan ng iyong panginoon. Panigurado akong nasailalim ka parin ng kanyang kapangyarihan."
Sabi ni mommy.

The Other WayWhere stories live. Discover now