Chapter 33

7 4 0
                                    

Chapter 33
"Nature's Power"

"Anong nangyari Sarah bakit andito na tayo ngayon sa bahay natin?"
Sabi ko.

"Ginamit ni Kenji ang kapangyarihan niya para makatakas tayo. Kung hindi mo lang kasi alam. Mga Belial ang kalaban natin kaya panigurado may barrier silang nilagay at paniguradong hindi tayo makakalabas. Salamat sa kapangyarihan ni Kenji, nakapagteleport tayo papunta dito sa bahay."
Sabi ni Sarah.

Tinignan ko si Kenji at tila malungkot siya sa nangyari. Nakita ko ang kaliwang kamay niya na dumudugo. Lumalabas ang violet niyang dugo. Kasalanan ko kung bakit ito nangyari.

"April."
Sabi ni mommy.

Papalapit si mommy sa amin galing kusina. Nagpupunas siya nang kamay niya. Naghugas ata siya ng mga pinggan. Tumayo siya sa harapan ko at napabuntong hininga.




*SLAP*

"YAN AY DAHIL NAGSINUNGALING KA SAMIN."

*SLAP*

"YAN NAMAN AY DAHIL NILAGAY MO SA KAPAHAMAKAN SINA SARAH AT KENJI."

*SLAP*

"AT IYAN NAMAN. Iyan naman ay dahil muntik ka nang mapahamak. Paano nalang kung napatay ka nila? Hindi mo ba iniisip ang mararamdaman mo ha? Paano nalang kung nawala ka? PAANO NALANG KUNG. PAANO NALANG KUNG. PAANO NALANG KUNG NAWALA KA SA BUHAY KO."

Mommy begins to cry. I am about to cry too but I am holding my tears. I didn't even consider their feelings about my decision. I felt guilty to what had happen. Mommy hugged me tight as she cries.

"Hindi ko makakayanang mawala ka sa buhay ko anak. Wag mo nang uulitin iyon anak ha. Mangako ka sakin. Wag mo nang ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan."
Mommy cried.

A tears came out from my eyes. I can't hold it anymore. I hugged back at her.

"Opo mommy. Pangako po hindi ko na po uulitin iyon. I promise."
I cried.

She wiped the tears from my eyes and kissed me on my forehead.

"Sorry anak kung nasampal kita ha. Patawarin mo si mommy."

"Okay lang po iyon mommy. Kasalanan ko naman po kung bakit mo po ako nasampal eh. Sorry po talaga sa pag aalala mo. Sa pag aalala niyo sa akin."

We sit on the sofa while Kenji sits on the floor in front of us.



"Sabihin mo anak bakit mo ba kasi ginawa iyon? Bakit hindi ka nagsabi na kay Steven ka pupunta?"
Sabi ni mommy.

"Alam ko po kasing hindi niyo ako papayagang pumunta sa kanya eh. Atsaka gusto ko sanang subukan na kumbinsihin siya na kalimutan na ang pagiging Fallen niya eh. Gusto ko sana siyang tulungan.

Kaso.

Kaso.

Kaso nagkamali ako. Wala nang kahit kaunting kabutihan ang nasa pagkatao niya. Pasensya na po talaga."
Sabi ko.

"Pero mabuti nalang at pinasunod ko sina Sarah at Kenji sa iyo. Mabuti at hindi ka napahamak."
Sabi ni mommy.

"Ginawa mo iyon mommy? So kaya pala sila nakasunod. Eh diba bawal maging stalker ang Guardian sa Seeker? Paano niya nagawang sundan ako nang patago?"
Sabi ko.

The Other WayWhere stories live. Discover now