Chapter 12

8 4 0
                                    

Chapter 12
"The Rules"

GABRIEL's POV

"Let me start on how we first met okay? Pero wala munang sisingit ha. Mejo mahaba haba ang kwentong ito. Para malaman mo rin ang lahat lahat magmula nung naging Seeker ka."
Malumanay kong sabi.

"Okay makikinig ako."
Sabi ni April.

"Nooooo. Makikinig kaming lahat. Siyempre hindi rin namin alam ang naging nakaraan niyo."
Nakangiting sabi ni Grace.

"Okay sige."
Sabi ko.

Lahat sila pinapunta ko sa aking harapan atsaka ko sinimulan ang aking kwento.

// Kadalasan hindi pa talaga malalaman ng mga Watcher kung sino ang Seeker na babantayan nila. Kasi sa sitwasyon ng mga Seeker hindi rin nila alam na isa pala silang Seeker.

Halos lahat naman talaga ng Watcher ay may link sa kanilang mga babantayan. It is all about luck that the Watcher will have a Seeker to look after.

Kapag naramdaman naming pure hearted ang isang baby, dali dali namin itong hinahanap upang hindi kami maunahan ng mga Belial. Kasi kapag naunahan kami ng mga Belial, mapapahamak ang batang Seeker.

Kaya dali dali kitang hinanap. Nang makita kita, kitang kita ko sa mukha ng mommy at daddy mo ang sayang hatid mo. Nuong una akala ko ikaw April yung Seeker na nararamdaman ko. Pero hindi, si mrs. Sanchez pala.

Sabi ko sa sarili ko. Maswerte narin ako kasi hindi ka isang Seeker. Hindi malalagay sa peligro ang buhay mo. Kaya ang kailangan ko nalang gawin ay alagaan ka at hindi hahayaang maging masama.

Sinabihan ako ni mrs. Sanchez na ingatan daw kita. Kasi marahil hindi pa nagbubukas ang iyong pagkataong Seeker. Kaya binigyan kita ng protection upang hindi ka malapitan ng masasamang elemento. Matapos nun ay nagreport na ako sa Archangel namin.

Minsan dinadalaw dalaw kita kapag may pagkakataon ako. Kasi kaming mga Guardian kailangan naming magreport ng madalas sa Archangel.

Ginagawa namin yun kasi ayaw naming mabahiran ng kasamaan. Kasi ang mga Watcher ay maaring maging Fallen kapag tinalikuran na ang kabutihan at wala nang balak pang maglingkod sa Lumikha. Kaya kaming mga gustong magbalik loob ay dapat madalas na nagrereport.

At nakilala ko rin si Sarah sa inyo. Hindi kami nagkakausap noon kasi lagi siyang kausap ni mrs. Sanchez kapag dumadating ako. At tila ba wala siyang intensyon makipagkilala sakin.

Pagkatapos ng limang taon. Nawala na si Sarah sa inyo. Sabi ni mrs. Sanchez, may dapat lang daw siyang gawin.

Lagi lagi na akong nasa tabi mo kasi sabi sakin kaya ko na daw kontrahin ang kasamaan, kaya okay lang na kung kailan ko nalang gusto ako magreport.

Nagsimula ang lahat nuong naglimang taon si April.

Matapos ang kaarawan mo ay nagagawa mo nang makipag ugnayan sa kalikasan. Nagagawa mo nang pagyabungin ang mga patay nang halaman. Napapakalma mo ang galit na hangin. At naririnig mo rin ang damdamin ng mga puno na hinahawakan mo.

Nuong may nakita kang kuting na pilay ang kanang paa sa harap na kulay black at hinang hina sa ilalim ng puno na malapit sa inyo. Iniuwi mo ito sa. Iyak ka nang iyak kay mommy mo kasi sabi mo malapit na siyang mamatay. Naaalala ko pa ang sabi mo noon.

"Mommyyyyy, Daddyyyyy, si muning mamamatay na siya. Ayaw ko siyang mamatay. Dapat mabuhay pa siya. Mommy, Daddy promise ko kapag nabuhay siya aalagaan ko siya at ako magiging angel niya hanggat hindi siya nakikita ng pamilya niya. Please mommy pagalingin natin siya."

The Other WayWhere stories live. Discover now