Chapter 25

7 3 0
                                    

Chapter 25
"DJYNNEZ BHIJARKE"

"Grabriel tulungan niyo si Chrium sa Doppleganger na yan."
Sabi ni Grace.

"Ano ang nangyari Chelsie bakit nakumpleto ang link sayo?"
Sabi ko.

"Nung. Nung. Nung nag iimpake na kasi ako para makaalis na at pupunta sana akong simbahan kaso. Kaso biglang dumating yung Doppleganger na yan. Akala ko nung una si Chrium siya. Sabi niya tutulungan daw niya ako sa pag aayos. Tapos paglapit niya hinawakan niya agad ang kamay ko at sinabing

Hindi ka na makakatakas sakin. Makukuha na ni Tophter ang puso mo.

Kaya napatili ako at tinawag ko si Chrium at ayan na sila. Grace, April tulungan niyo ko. Ayoko pa mamatay. Malaki ang pangarap ko sa mga magulang ko."
Naiiyak niyang sabi.

"Huwag kang mag alala. Hindi ka namin pababayaan."
Sabi ko.

Nakita kong natatalo nila ang Doppleganger. Hinawakan siya sa ulo ni Gabriel habang hawak naman nung dalawa ang kamay at balikat ng kalaban.

"Sa kapangyarihan ipinagkaloob sakin........"

"Hahahaha. Huli na. Huli na kayo. Natapos ko na ang ritual. Bwahahahahah."
Sabi nung Doppleganger.

Hindi nasabi ni Gabriel yung sasabihin niya. At bigla itong naglaho sa pagkakahawak nilang tatlo.

"Tapos na ba?"
Sabi ni Chelsie.

"Hindi pa magsisimula palang ang tunay na laban."
Sabi ni Chrium.

"HAHAHAHAHAH. Chelsie Cassandra Cerrano Cruz. Ngayon. MAPAPASAAKIN ANG SUSI PARA MAKALABAN ANG MGA MAPAGMATAAS NA ANGHEL SA KALANGITAN."

A demonic voice is over heard from the house. It was so loud. And the whole place shakes. An eathquake. We ran outside the house as fast as we can. And after we get outside. Their house was destroyed. It is the only house that was destroyed because of the earthquake. Their neighbors  look at their house and was shocked to what had happened.

"Hindi na tayo ligtas dito. Kailangan natin lumayo. Kung saan wala masyadong tayo. Para walang madamay na mga inosente."
Sabi ni Chrium.

Tumakbo kami palayo sa bahay nila at nakarating kami sa isang park malapit sa lawa. Walang ibang taong nandito kundi kami lang.

And all of a sudden. A black barrier came out.

"Sh*t. Sarah pumunta ka dito kailangan ka namin."
Sabi ko.

Wala? Hindi siya dumating. Nahuli na ko sa pagtawag. Nabalot na ng black magic ang buong kapaligiran.

Biglang may lumabas na dalawang nilalang sa may lawa. Dalawang lalaki. Yung isa ay may itim na pakpak. Pero may mga kadena na nakatali sa paanan niya. Nakasuot sila ng white.

"Tophter. Siya ang Belial na nakalaban namin. At mukhang siya ang Fallen na makakaharap natin."
Sabi ni Chrium.

"Panginoon ko. Iniaalay ko sayo ang 3 Seeker na iyan. Gagamitin natin sila para makawala ka na jan sa mga kadena na yan."
Sabi ni Tophter.

"Alam ko ang bagay na iyan. Ngayon masasabi ko nang hindi ka isang worthless tulad ng pagkakakilala sa mga Belial. Mahusay ang ginawa mo."
Sabi ni Djynnez.

The Other WayWhere stories live. Discover now