Chapter 27

7 3 0
                                    

Chapter 27
"The Past"

"What do you mean Sarah? Akala ko ba ikaw ang Guardian ni mommy?"
Sabi ko.

"Anak mukhalang akong dalaga sa ganda ko pero 39 years old na ko. Ang pangalan ng aking Guardian ay Zephyr."
Sabi ni mommy.

"Bakit hindi ko ito alam mommy? Atsaka kamusta po ang pakikipaglaban niyo sa Fallen? Naging masalimuot din po ba ito tulad ng kay Chelsie?"
Sabi ko.

"Hindi anak. Naiwasan ko kasi ang mga paglapit sakin ng Belial kaya hindi ako nagkaroon ng link sa Fallen. Atsaka anak. 21 years old pa lang ako. Wala nang sumpa sa puso ko."
Sabi ni mommy.

"Paano po nangyari yun?diba po 28 years old pa dapat?"
Sabi ko.

"Ito ay dahil nahanap ko kaagad ang itinakda para sa akin ng ating Amang Makapangyarihan. Nakilala ko si daddy mo since I was 17 years old. At nalaman kong siya na nga ang para sa akin. Nang magpakasal kami dun natapos ang mission ni Zephyr.

Emely. Mahusay at nakilala mo ang itinakda para sayo. Ang papalit sa posisyon ko na magbabantay sayo, mag aalaga at ipagtatanggol ka sa lahat ng bagay. At higit sa lahat, ang magmamahal sayo ng higit pa sa buhay niya. Masaya akong ako ang naging Guardian mo Emely. At salamat dahil ngayon muli na akong makakabalik sa langit. Salamat aking kaibigan. Hindi kita makakalimutan. Paalam.

Yan ang mga huling salita na sinabi sakin ni Zephyr. Siya ang tinuring kong kuya buong buhay ko. At ngayon si daddy mo na ang bagong Guardian ko. Hahaha."
Sabi ni mommy.

Kitang kita sa mukha ni daddy na kinikilig siya sa sinabi ni mommy habang nakayakap ito sa kanya.

"So meaning kapag kinasal ang isang Seeker mawawala na ang sumpa sa kanya?"
Sabi ko.

Tumingin ako kay Grace pero sumenyas siya na hindi niya alam.

"Oo April. Dahil kapag ikinasal na ang isang tao. Nagkakaroon ito ng seal mula sa kapangyarihan ni Dakilang Lumikha. Ang seal na nagsasabing may nagmamay ari na ng pusong ito at hindi na ito dapat pa mapunta sa iba. Kaya hindi na ito magagamit ng Fallen."
Sabi ni Sarah.

"Sarah totoo bang ikaw talaga ang Guardian ni Steven? Kaninong pamilya mo siya ipinakupkop at bakit mo naman siya pinabayaan nung nagkaroon na sila ng anak. Ipinagtabuyan mo pa siya at hindi binalikan."
Malungkot kong sabi.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat. I can feel sadness coming from my parents and Sarah.

"April. Yung totoo. Alam mo ba na Seeker siya nung una pa lang? Nagkwento ba siya sayo about dito? Bakit tila may nalalaman ka?"
Siryosong sabi ni Grace.

Patay. Hindi ko ba napigil ang bibig ko? Sh*t ang sikretong sinasabi ko nabunyag na.

"Oo nga April. Bakit alam mo ang bagay na iyan?"
Sabi ni Sarah.

Humingi ako ng tawad kay Grace dahil inilihim ko ang bagay na ito. Pero sinabi ko naman ang dahilan kung bakit hindi ko ito sinasabi sa kanya eh.

At kinuwento ko ang lahat ng nalalaman ko about sa pagiging Seeker ni Steven. Pero hanggang doon lang ako sa ipinagtabuyan siya. Hindi ko na ikinuwento pa ang about kila Sadam at Christopher.

"Alam mo ba April kung ano nangyari sa kanya pagkatapos ko siyang iwanan?"
Sabi no Sarah.

"Hindi eh. Hindi na niya naikwento sakin ang about."
Sabi ko

"Ganun ba?"
Malungkot na sabi niya.

"Bakit mo ba kasi siya iniwan?"
Sabi ko.

At nanatili lang siyang tahimik. At kitang kita ang sobrang kalungkutan sa kanyang mukha.

The Other WayWhere stories live. Discover now