Klarisse's POV
Pagkatapos naming magsimba nagpaload kaagad ako dahil itetext ko na siya tsk hindi naman ako masyadong excited noh?
Note the Sarcasm😂
Tsaka FC din ako eh pasensya na personality ko na siguro to.
"Ate pasyal daw tayo mamaya sabi nina mama at papa"sabi ni Klent kaya tumango lang ako.
Nandito na pala kami ngayon sa bahay namin at ako dumiretso kaagad sa kwarto ko para you know na.
To: Your Handsome Crush
Hi, Klarisse Here kita nalang tayo sa Lunes ng hapon sa park malapit sa mall kung ok lang sayo....
*Message Sent*
Hooo...sent na talaga.
Tumunog naman kaagad ang cellphone ko tsaka nakareply kaagad siya?
Unli ah siya na...
From: Your Handsome Crush
K bye
Wow ang haba ng speech ko tapos "K bye" lang ang reply niya?
Wow...just..wow
Tsk hindi na nga lang mareplayan😞
----
Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama ang pamilya ko dahil family bonding namin to eh tsaka picture doon picture dito naks naman hindi nagkita for the past ten years???
Pero mas mabuti nato kaysa maging busy na naman sina mama at papa tapos konti na naman ang time nila samin ng dalawa kung kapatid tsk.
Tapos naming magfamily bonding umuwi na kaagad kami sa bahay at ako naman dumiretso kaagad sa kwarto ko then bihis tapos tulog na dahil pasok pa bukas eh.
********
"Ris sabay na tayong bumili mamayang hapon ng gamit para sa project natin ah"sabi ni Alex.
¿¿¿
"Ano kasi may lakad ako mamaya"sabi ko sa kanila.
Nandito kasi kami ngayon sa isang bench malapit sa plaza namin tsaka nag uusap-usap.
"Ano namang lakad yan?"tanong ni Vivian.
"Ano wa-wala naman"sabi ko.
"Tsk may date ka noh? Sino yung lucky guy?"sabi ni Hazel.
0_0
"Wala akong date noh tsaka may lalakarin lang talaga ako mamaya"sabi ko sa kanila.
"Bakit ka nga mamamasyal mag isa mamaya?"tanong ni Alex.
"Psshh ang mga kapatid ko kasi inutusan nila akong bumili"sabi ko.
"So what? Pwede namang isabay natin sa pagbili mamaya ng gamit ah"sabi ni Vivian.
Aishh pano ba ako makakalusot nito.
"Basta isasabi ko nalang sa inyo bukas, Promise"sabi ko.
"Asus may pa bukas bukas ka pa talaga ha"sabi ni Hazel.
"Basta"sabi ko.
Sana gumana ang palusot ko.
Nagkatinginan naman silang tatlo na parang nagaeye contact.
"K fine basta isabi mo samin ah"sabi ni Alex.
"Oo Promise"sabi ko.
"Sige"sabi nilang tatlo.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Teen FictionMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...