-Chapter Thirty-Two-

19 3 0
                                    

Klarisse's POV

Nagising ako na sobrang gaan ang loob na nadarama sa sarili. Hindi ko alam pero parang ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko sa araw na ito.

Sobrang positive ko ngayon na mukhang may magandang mangyayari sa araw na ito.

May clue na ako kung ano ang magiging maganda pero ayaw ko namang mag-assume dahil baka madisappoint lang ako.

Pagkatapos kung naligo ay kaagad akong nag ibis. I feel really excited sa pagkikita naming dalawa ni JC mamaya. Ewan ko ba, ba't hindi ako nakaramdam ng kaba. I feel light.

Sana magpatuloy nato hanggang mamaya.

"Ang saya natin ngayon ah" bungad sakin ni Klent nang pababa na ako sa hagdanan.

Nginitian ko lang siya.

Tumikhim naman siya kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano?"

"Mabuti naman at mukhang ayos ka na ngayon ate. You're so sad yesterday" sabi niya.

"Awhs, concern si kapatid" sabi ko at tinawanan nalang siya saka ako nagpatuloy sa pagbaba.

"Ate, pasyal tayo mamaya sa mall--"

"May ipapakilala daw siya sayo ate" ngiting sabi ni Kent na bigla-bigla nalamang sumulpot sa tabi ni Klent.

"Talaga? Sige go ako diyan" sabi ko at tinignan si Klent na mukhang nahihiya na.

"Kaya lang, may pupuntahan pa kasi ako ngayon so kita nalang tayo sa mall. Text me nalang bunso" sabi ko at tinanguan lang ako ni Klent.

Napangiti nalang ako habang iniisip na baka may girlfriend na ang kapatid ko. Kung ganoon, masaya ako para sa kanya. Ang ganda ng mood ko sana hindi ito masira.

Nang makarating na ako sa cafe ay sakto namang papasok na rin si JC kaya nagkasabay kami. Medyo awkward para sakin pero dahil nasa mood ako nginitian ko siya, and he smiled back.

Lord, sana magiging maganda itong pag-uusapan namin ngayon. I wish it will turn out well.

Nakahanap naman kaagad kami ng mas komportable at medyo private na table na pwede kaming makapag-usap ng maayos, kaya umupo na kaagad kami.

"Ahmm,hi" una kong bati sa kanha dahil mukhang pati siya ay nahihiya na sakin.

Napaka-epic naman kasi ang nangyari kahapon, yung feeling na sobra ko ng emotional tapos masisira lang. Napaka talaga.

"Hi, sorry about what happened yesterday" ulit niya at bakas sa mukha niya na nagsisisi siya.

"Okay lang. Ano nga palang nangyari kahapon? May emergency ba na nangyari sa inyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

May emosyon namang dumaan sa kanyang mga mata na hindi ko mapangalanan kung lungkot ba o ano.

"My mom, sinugod siya sa hospital kagabi" malungkot na sabi niya.

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

"And how is she na?" tanong ko.

Napaismid naman siya dahil sa tanong ko kaya nagtaka ako.

"The truth is, it's just a prank" napailing siya sa kanyang sinabi at medyo natawa.

Napangiti tuloy ako. Kala ko kung ano na.

"Nang malaman ko iyon, ofcourse I got mad because our date was ruined and it's all because of them. Sometimes, I don't really know what's their trip in life" nakangising sabi niya at bakas ang amusement sa kanyang mukha para sa kanyang pamilya.

My Ultimate Crush Is A Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon