Klarisse's POV
"Ris, sagutin mo nalang" sabi ni Vivian habang kumakain ng piattos.
Nandito kasi kamo ngayon sa kwarto ko habang nagmomovie marathon.
Walang pasok eh.
Sa araw na ito ay naka five missed calls na kasi sakin si JC, it's been 3 days na kasing hindi ko siya sinasagot sa mga tawag at texts niya and I've been avoiding him during those days.
"Kawawa naman yung tao. Wala kaya siyang alam kung bakit mo siya ginaganyan. In short, clueless siya kaya mas mabuti pang kausapin mo nalang siya Ris" sabi ni Hazel habang seryosong nakatingin sa tv ng kwarto ko.
"I agree" sabi naman ni Alex na nakahiga at nanunuod din.
Napalabi nalang ako dahil may point naman sila, kaya lang kinakabahan ako.
I'm not yet ready.
I'm scared okay?
"I'll message him nalang" sabi ko sa kanila at mabilis na nagtipa ng mensahe.
Nasa kalagitnaan ako ng pagta-type ng nagflash sa screen ang pangalan niya at aksidente kong napindot ang answer.
Oh my gosh.
Napatingin ako sa kanila.
"Ano?" nagtatakang tanong ni Alex.
"Nasagot ko" pabulong na sabi ko at pinakita sa kanila ang cellphone ko.
Pati sila ay nagulat ngunit nag sign nalang sila sakin na lumabas at sagutin nalang ito.
Bumuntong hininga nalang ako at lumabas nalang ako sa kwarto ko at nagtungo sa veranda namin.
"Ahmm, hello?" medyo kinakabahan kong tanong.
"Are you avoiding me, Klarisse?" cold na sabi niya.
Mas lalo naman akong kinabahan at the same time, nararamdaman ko na naman ang sakit.
"Ah,h-hindi naman-"
"Then, bakit hindi mo sinasagot ang nga tawag ko? Okay, I'm trying my best not to be a demanding person when it comes to you. But I'm confused" bakas sa boses niya na nahihirapan na siya.
Napalabi ako.
Panahon na siguro para sabihin ko sa kanya ang lahat, ang nararamdaman ko at maging ang mga tanong ko.
Handa na ako'ng harapin ang maaaring sabihin niya sakin.
Kung gusto niya parin ako pagkatapos ng sasabihin ko edi masaya. Pero kung hindi, madali naman akong makakatanggap eh. Sana.
"Can we talk?" seryosong sambit ko.
"Nag-uusap na tayo" supladong sabi niya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita ulit.
"I mean, can we talk in person?" ulit na sabi ko.
"Ofcourse, I've been waiting for that time to come Ris. I am mad at you but I miss you alright?" sinserong sabi niya.
Ramdam ko na namang natunaw ang puso ko pero pipigilan ko muna hangga't maaga pa.
"See you at the café" sabi ko nalang para matapos na ang conversation namin.
Hindi ko na kaya eh baka bumigay pa ako at magpakatanga na.
Dinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.
"Okay" cold na sabi niya at siya na mismo ang pumatay sa tawag.
Galit na nga siguro siya sakin.
But I understand.
Kung ako din naman ang nasa posisyon niya ay magagalit talaga ako lalo na't wala akong alam.
Ipapalinawag ko na talaga sa kanya mamaya.
Go Klarisse.
Nang tanaw ko na ang buong café ay nakita ko ng nandoon na nakaupo si JC. At seryoso lang siya habang naghihintay sakin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko napagdesisyunan na pumasok.
Pagkapasok ko ay kaagad niyang ibinaling ang atensyon sakin. Kahit medyo awkward para sakin, nginitian ko nalang siya ng tipid. Pero seryoso pa rin siya sa pagtingin sakin hanggang sa umupo na ako sa harap niya.
"Kanina ka pa?" basag ko sa katahimikan.
"Nope" supladong sabi niya.
Sige palalampasin ko muna ang ganyan niyang attitude.
Umorder muna kami sa waiter bago ko inihanda ang sarili para sa sasabihin ko sa kanya.
"About sa gusto kung sabihin sayo--"
"What is it?" naiinip na sabi niya.
"Okay, I'm a reader you know and nabasa ko ang isa sa story ng kapatid mo" paninimula ko at ramdam ko muna ang pag-ayos niya sa pagkakaupo, na para bang naging mas interesado na siya sa kung anumang sasabihin ko ngayon.
"In that story, Sina JC Lopez at Shontelle Villaflor ang main characters. At dahil sobrang ganda ng story niyong dal-- I mean dahil sobrang ganda ng story nila. I started to like the fictional character na lalaki" pag-aamin ko sa kanya kahit na kinakabahan na ako.
Titig na titig naman siya sakin pero bakas sa mukha niya na parang gusto niyang ngumiti.
"I became addict because of that. At nung time na una kitang nakita, parang nalaman ko na agad na ikaw yung JC Lopez na character sa story na nabasa ko. Sobra kasi akong hopeful na sana totoo nalang ang isang JC Lopez" namumula na ako habang sinasabi ang mga iyon.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.
"Dahil dun, pinaniwala ko na ang sarili na ikaw iyong JC Lopez na n-naging crush ko. But, I know infatuated ka lang sakin. You are so in love with S-shontelle and I'm just a girl whom you called a stalker months ago" sinserong pag-amin ko sa kanya.
At nagsimula ng sumikip ang dibdib ko.
Naramdaman ko na naman ang sakit nito.
"How do you know about my feelings Klarisse?" seryoso ng sabi niya.
Nangilid na ang mga luha sa mata ko.
Napalunok ako dahil sa sinabi niya.
"Ahmm, I just know kung gaano mo kamahal si Shontelle at--"
"Feelings change, Klarisse" sabi niya.
Dahil sinabi niya para namang may parte na naman sa puso ko na nabuhayan.
"JC kung hindi ka pa sigurado sa feelings mo para sakin, mas mabuti nalang siguro na itigil muna to dahil masa--"
"Bakit ganyan ang iniisip mo, ris?" nasasaktang sabi niya.
Hindi natuloy ako mapatingin sa kanya at hindi na naiwasan ng mga luha ko na pumatak, pero mabilis ko namang pinalis bago pa niya mapansin.
"Jace--"
Naputol ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.
Mabuti nalang at sinagot niya ang tawag.
"Hello? What? Okay, I'll be going there" bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Pagkatapos niyang pinatay ang tawag ay napatingin siya sakin. Kita ko sa mga mata niya na parang naguguluhan siya kung sino ang uunahin niya.
"Go" sabi ko at nginitian siya para iparating na ayos lang naman sakin na ipagpaliban muna namin ang usapan na ito.
May ibang oras pa naman. Siguro hindi pa ito tamang timing.
"I'm sorry--"
"JC? Tara na" dinig kung tawag ng isang boses babae.
Nagdadalawang isip ako kung titingnan ko ba kung sino pero tinignan ko nalang kahit masakit.
"Are you with her na naman? Tara na nga, she is just wasting your time" masungit na sabi ng babae sakin.
It's her.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Fiksi RemajaMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...