-Chapter Twenty-Four-

17 3 0
                                    

Klarisse's POV

"Woyy, Ris. Joke lang yun, wag mo namag seryosuin. Alam mo namang hindi totoong nag-eexist sina Shontelle at JC eh" bawing sabi ni Vivian.

Nginitian ko nalang siya ng matamlay dahilan upang yakapin nila ako.

"Ano ka ba bes. Okay lang yan. Kung sakaling nag-eexist talaga sila sa mundong ito edi wapakels nalang. Naghiwalay naman na sila eh kaya wala ka ng dapat na ikabahala" ngiting sabi sakin ni Alex.

"Pero hindi pa naman naka move on sa kanya si JC" malungkot na sabi ko sa kanila.

Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nila kaya mas lalo tuloy'ng nanikip ang dibdib ko. Isa iyon sa sign na pati sila ay alam nila na hindi pa naka move on si JC kay Shontelle.

"Basta Ris, go with the flow ka nalang sa ngayon bahala na ang kung ano man ang mangyari kinabukasan. Atleast sa ngayon hindi ka magsisisi na, nakasama mo ang isang fictional slash totoo pala na si JC Lopez" masayang sabi ni Hazel.

"Tama" sang-ayon naman ni Vivian kaya kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko.

Nagpapasalamat talaga ako kay Lord na binigyan niya ako ng mga kaibigan na totoo at nakakapagpapasaya sa akin.

"Salamat sa pagpapagaan ng loob ko gurls" dramang sabi ko.

"Asuss, no probs. Malakas ka samin eh" sabi ni Alex at mas niyakap pa nila ako.

"Wait, hindi na ako makahinga guyss. At pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh kaya bitiw na" natatawang sabi ko.

"Wala kaming pake" masungit na sabi ni Vivian.

Natawa nalang ako.

Pano ba naman kasi ako na ang nahihiya pa ra samin dahil nasa gitna kaya kami ng mall nagyayakapan like hello? Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Nakakahiya.

Pero wapakels daw eh sabi nila so walakompake rin.Haha.

Pagkatapos ng kaunting dramahan namin kanina sa mall ay tinulungan naman nila ako sa pagre-ready para sa dinner date namin mamaya ni JC.

Nang matapos na akong nagbihis ng isang simpleng kulay maroon na dress ay ilang beses pa akong pabalik-balik ng tingin sa salamin ng kwarto ko dahil hindi ako mapalagay sa ayos ko eh.

Huminga muna ako ng malalim bago nagdesisyon na tingnan na ang cellphone ko na kanina pa panay ang ring.

5 missed calls from Your Handsome Crush.

Exhale.

Nag-ring ulit ang phone ko at sinagot ko na ito.

"Ahmm, hello?" nahihiyang sabi ko.

Narinig ko naman ang buntong-hininga niya sa kabilang linya na para bang nagpipigil ng kung ano mang emosyon. Siguro naiinip nato sakin. Hindi ko naman siya masisisi eh.

"JC?" ulit ko.

"Akala ko hindi na matutuloy ang dinner date natin ngayon" malamig na sabi niya.

"H-huh? Bakit naman?"

"Mukhang wala kang balak na sagutin ang tawag ko sayo, kanina pa" pigil inis na sabi niya.

I feel guilty.

"S-sorry, nagbibihis pa kasi siguro ako kanina ng tinawagan mo ako" half-truth na sabi ko.

Narinig ko naman ang relief na hininga niya sa kabilang linya.

"I'm sorry. I just thought you wouldn't like the idea of us having a dinner date tonight" malungkot na sabi niya.

"What? Gusto ko noh, I mean, I-i-"

Hindi ko naman kaagad na dugtungan ang sasabihin ko dahil nakarinig na ako ng mahinang tawa niya sa kabilang linya.

"You don't need to explain it harder. I also like the idea of the two us having a date" sinserong sabi niya.

My heart.

It won't stop beating fast.

Homygoshhh. Ayoko na talaga, parang gusto ko ng gumulong sa kama ko. Kung hindi lang talaga magugulo ang ayos ko, matagal ko ng iginulong ang sarili ko sa malambot kong kama.

Lopeeezzzzz......

Grabe ka talaga.

Kaya rin pala maraming nagkakagusto sa kanya  na mga babae sa story niya eh, magaling talaga siyang magpakilig.

Hayyysss....

Goodluck to my heart na talaga sa susunod na mga araw pa.

Matapos ng tawagan naming dalawa ay nagpaalam kaagad ako sa dalawa kong kapatid na may lalakarin pa ako. Pero syempre hindi ako nakaligtas sa mga panunukso nila sa akin. Pinalampas ko nalang dahil ayoko namang paghintayin sa restaurant si JC.

Susunduin niya sana ako eh kaso ako na ang tumanggi dahil baka mas lalo lang ma-confirm ang hinala ng mga kapatid ko tungkol sa lovelife ko. Kilala paman din nila si JC Lopez.

What a small world talaga.

Mga 6:45 na ako nakarating sa isang simpleng restaurant at tanaw ko na agad sa loob si JC na busy sa kanyang cellphone. Ang gwapo niya kahit simple lang ang suot niyang damit.

Samantalang ako, nag-effort pa talagang mag dress. Conscious tuloy ako sa sarili kong ayos.

Nang makapasok na ako sa loob ay kaagad naman niya akong nakita at ewan ko ba kung guni-guni ko lang ba o totoo iyon. Pero feeling ko nakatanaw ako ng kaunting manghang dumaan sa kanyang mga mata kanina nang nakita ako. Kaya lang, mabilis nawala eh so baka nag-iilusyon lang ako. Crush ko pa naman siya.

"Hi" bati niya kaagad sa akin nang makalapit na ako sa kanya.

"Ahmm, hello" nakangiting bati ko rin sa kanya at umupo na kaharap siya.

"You look so beautiful tonight" nakangiting saad niya na walang halong biro.

Oh gosh. He made my heart flattered more.

"Thank you" nahihiyang sabi ko.

Mabuti naman at may hiya pang natira sa sarili ko. Kahit na feeling ko sobra na akong nakakapalan ng mukha sa sarili ko.

"So, before we start our conversation. Can we have our order first?" pormal na sabi niya.

Hindi naman ako sanay sa tono niya ngayon parang sobrang seryoso at pormal.Pero keribels lang to. Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng convo namin ngayon pero I wish it will turn out well.

Before that, aalisin ko muna ang hiya ko sa aking sarili para naman hindi awkward ang date namin ngayon.

My goshh, DATE?

With him?

Hihimatayin na ako nito mga bes.

Pagkatapos naming isabi sa waiter ang gusto naming orderin na pagkain ay kaagad namang nagsalita si JC.

"Can I ask you a question Klarisse?" seryosong sabi niya.

Kinabahan tuloy ako.

And the way he speaks my name, makes my heart beats fast.

It's so smooth kasi.

Tinanguan ko lang siya at nang tinanong na niya sa akin ang gusto niyang itanong. Ay parang gusto ko na namang himatayin.

My heart.

My Ultimate Crush Is A Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon