Klarisse's POV
"JC Lopez my gosh ang gwapo talaga niya"girl 3.
"May tshirt na nga ako na ang nakatatak ay "I am a Lopez" eh"girl 4.
"Teka nagbobook signing na ba si jneyssa143?"girl 5.
"Oo daw kahapon"girl 1.
Naglalakad kami ngayon sa hallway ng school namin at chismis kaagad ang naririnig ko.
Tsk ang aaddict talaga nila sino ba kasi yang JC Lopez na yan?
"Ang gwapo nga naman daw talaga ni JC Lopez"sabi ni Vivian.
"Bakit? Tsaka sino ba kasi talaga yang JC Lopez na yan?"tanong ko na nakakunot ang noo.
"Gurl si JC Lopez ay isang Fictional Character at Lead Character siya sa story ni jneyssa143 na Because of Love"sabi ni Alex.
"Fictional lang pala tapos kung makakilig wagas"sabi ko.
"Eh ang gwapo kaya"sabi ni Hazel.
"Whatever"yun na lang na sabi ko.
"KJ MO"sabay nila na sabi sakin.
Hindi ko na lang sila pinansin tss ang aga aga wattpad kaagad ang topic hindi ba nila alam na may mga estudyante din na naoOP?
Tsk mabuti pa kpop ang pag usapan nila😉
Nakarating na din kami sa classroom namin at mabuti nama't hindi kami late tsaka mas mabuti dahil kpop ang pinag uusapan ng mga classmates namin nakakatuwa.
Pero natahimik na din kami ng dumating na ang teacher namin at nagdiscuss naman kaagad ang professor namin.
********
Fastforward....
Nandito kami ngayon sa isang bench malapit sa plaza at si Alex naman ay nagbabasa ng wattpad,si Vivian at Hazel naman ay nanonood ng music video sa EXO at ako naman ay nagsosoundtrip lang at nagmamasid sa mga estudyante.
May ibang mga magbabakarda na katulad namin na ang laki ng bunganga in short ang dadaldal,may mga sweet couples na dumadaan,may mga nerd na nakaupo sa plaza at nagbabasa ng libro,may mga grupo na sumasayaw sa gilid,may grupo din na kumakanta malapit sa likuran namin at may isang lalaking dumaan sa harap namin na....♡_♡ gwapo oh my gosh...
Pero hindi ko crush sorry na lang dahil wala akong crush...high standard kasi ako eh haha napakachoosy ko noh?
Eh trip ko lang eh.
"Ehhhh ang swerte naman ni Kate"biglang tili ni Alex.
"Anong 'yari sayo?"sabi ko.
"Chapter 58 na kasi ako ng Secretly In Love eh nakakakilig"sabi ni Alex.
"Ang bilis mo naman magbasa Alex"sabi ni Hazel.
"Ganyan talaga haha tsaka gusto ko na ding basahin ang Because of Love eh dahil curious ako sa story ni JC at Shontelle"sabi ni Alex at tumitili tili.
"Ako nga din eh sisimulan ko ng magbasa mamaya"sabi ni Vivian.
0_¤
Edi sila naddict.
"Klarisse Aguilar magbasa ka nga din ng wattpad"sabi ni Hazel.
"Ayoko nga"sabi ko na bored.
"Promise maaaddict ka talaga pagnagsimula ka nang magbasa"sabi ni Alex.
Hindi nalang ako nagsalita at bigla namang lumipad ang imagination ko sa isang lalaki na naglalakad at ang buhok niya ay nahahawi ng hangin pero blurred ang mukha niya eh pero halata namang gwapo siya tsaka feeling ko siya lang ang nakikita ko.
*Pok*
"Aray sakit naman nun"sabi ko.
"Ang lalim naman ng imagination mo"sabi ni Vivian.
"Oo nga siguro crush niya ang iniisip niya haha"sabi ni Hazel.
"Hindi noh tsaka natulala lang ako...wala akong iniimagine"pagdedeny ko.
"Naku naku tara na nga"sabi ni Alex.
Pero seriously ¤_¤ sino naman kaya yung lalaki na yun?
Ah ewan bahalana nga imagination ko lang naman yun eh period.
...........
Fastforward..
"Tara punta tayo ng canteen dahil ililibre daw tayo ni Viv"sabi ni Hazel.
"Totoo Viv?"sabay na sabi naming dalawa ni Alex
Tumango lang naman si Vivian.
"Yeppie"sabay sabi naming tatlo.
"Oh ano pa bang hinihintay natin lets go"sabi ko at umalis na kami papuntang canteen.
Nang makarating na kami sa canteen pumili kaagad kami ng snacks namin at syempre si Vivian ang magbabayad haha.
"Aisshh magdidiet na sana ako eh pero pagkain nga naman ang hirap ayawan"sabi ni Alex.
"Gumaya ka nga sakin na sexy haha joke lang"sabi ko.
"Ahamm sabagay libre namang mangarap"sabi ni Hazel.
"Ay grabe siya oh...support niyo nalang ako"sabi ko.
"Asa"sabi ni Vivian.
"Ouch sige ganyan naman talaga kayo eh"sabi ko at nag aact na parang iiyak na.
"Syempre joke lang yun Ris noh tsaka love na love ka kaya namin"sabi ni Alex.
"Achuss natouch tuloy ako"sabi ko.
"Group Hug"sabi ni Hazel at nagyakapan naman kami.
Ganyan talaga kaming magkakaibigan nag aasaran pero love naman namin ang isa't isa.
😉😉😉
Tapos nun bumalik na kami sa classroom namin.
Hours passed.....
"Sabay na tayong umuwi guyss"sabi ni Vivian.
"Sure"sabi ko at sabay na kaming lumabas ng classroom namin at nang makarating na kami sa labas sumakay kaagad kami sa school bus namin.
"Tabi tayo Ris"sabi ni Alex.
Tumango lang ako at tumabi na sakin si Alex nasa likod naman namin sina Vivian at Hazel.
Magsosoundtrip nga muna ako dahil nagbibiyahe pa naman din eh.
............
"Bye Ris"sabay na sabi nina Alex,Hazel at Vivian.
Kumaway lang ako sa kanila tsaka nandito na kasi ako sa bahay namin at kakaalis lang ng bus ng school namin.
Nang papasok na ako sa bahay namin nakasalubong ko naman ang dalawa kung kapatid na lalaki.
"Hi ate"sabi ni Klent ang ikalawang kapatid ko.
"Oh saan naman kayo pupunta?"tanong ko sa kanila.
"Ah magbabasketball lang kami ate"sabi ni Kent ang pinakabunso ko na kapatid.
"Wag kayong masyadong mag pa gabi ah dahil lagot talaga kayo kina mama at papa"sabi ko.
"Yup masusunod po ate"sabay na sabi nila.
At umalis na silang dalawa tsaka pumasok naman kaagad ako sa bahay namin then pasok sa kwarto ko.
Sa totoo lang ako yung pinakamatanda sa magkakapatid namin at ikalawa si Klent 15 years old siya tapos si Kent naman ang pinakabunso namin na kapatid 14 years old siya tsaka ewan ko ba dun sa dalawang yun siguro kagagaling pa yung dalawang yun sa HCA.
Hayss makabihis na nga at kakain pa ako sa baba.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Teen FictionMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...