Klarisse's POV
Tinignan ulit ako ni JC at alam kong sa ngayon mukhang wala na talaga siyang balak na iwan ako.
Masaya man sa parte ko pero mukhang emergency talaga yung tumawag sa kaya wala akong choice kundi kumbinsihin siya na umalis na.
Lalo na't nandito si Shontelle.
"Go" sabi ko sabay ngiti sa kanya.
I can sense how Shontelle's eyes roll at me.
Binalewala ko nalang iyon dahil wala akong time sa childish act niya.
Pagkatapos nun ay umalis na silang dalawa.
Napahawak naman ako sa upuan, ngayon lang yata gustong magbreak down ang mga paa ko dahil sa kaba'ng kanina ko pa nararamdaman.
Ang advantage lang ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya lang parang kulang pa yong explaination ko sa kanya.
Or explaination ba yun?
Hindi ko na talaga napigilan ang bibig ko kanina.
Ang sakit lang.
Napagdesisyunan ko nalang na umuwi at doon nalang sa kwarto ko ibubuhos tong sakit na nararamdaman ko ngayon.
Mabuti nalang wala sina mama at papa nang nakarating ako sa bahay. Pero nakarinig nga lang ako ng mga ingay na mukhang nagmula sa bakuran namin, kaya nagmadali nalang ako sa pagpunta sa kwarto ko. Baka mga kaklase na naman yun nina Klent, kaya mas mabuti nalang hindi nila ako makita.
Nang makapasok na ako sa kwarto, sumampa kaagad ako sa higaan at diniin ang ulo sa unan.
Nagsimula namang nag-unahan sa pagbuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Buong araw na iyon ay hindi na ako lumabas sa kwarto ko. In-off ko rin ang cellphone ko dahil sigurado akong tatawag talaga si JC sakin at hindi na naman ako makakapag-isip ng maayos. So better off it.
Naalimpungatan ako dahil sa katok na narinig ko galing sa pinto.
"Ate?" boses ni Klent ang narinig ko.
"Hmm?" tanging iyon lang ana nasabi ko at dahan-dahang bumangon habang inaayos ang sarili.
"Dinner na, nandito na sina mama" sabi niya.
"Sige susunod lang ako"
Narinig ko ang yapak niya na paalis na kaya dali kong tinignan ang sarili sa salamin at...
Namamaga yung nga mata ko.
Paano nato?
Bahala na nga lang.
Pumasok muna ako sa bathroom at naghilamos sa mukha para naman hindi masyadong mahalata ang pamamaga ng mata ko.
Nang matapos ay nagtungo na kaagad ako sa dining area.
"Halika anak at kumain. Paborito mo pa naman itong niluto ko" ngiting bati sakin ni mama kaya nginitian ko nalang siya ng tipid.
Kahit na walan na ako ng gana'ng kumain pa ay pilit ko nalang na damihan ang nilagay ko sa plato ko. Kahit kasi paborito ko ang ulam namin ngayon ay sadyang hindi pang nakiayon ang mood ko.
Mukhang sense naman nila mama na parang wala ako sa sarili ko pero nagpapasalamat pa rin ako at hindi na nila ako tinanong kung ayos lang ba ako o may problema ba ako, dahil tiyak na magsisinungaling lang akos a kanila. And I hate lies.
Pagkatapos ng feeling ko awkward na dinner namin ay nagtungo kaagad ako sa kwarto ko. Ni-lock ko kaagad ang pinto at sumampa sa kama.
Ano kaya ang nangyari kanina?
Ba't sobra ang kaba ni JC? Bakit bigla nalang dumating si Shontelle?
Ngayon ko lang napagtanto na, hindi ko talaga alam ang lahat na nagyayari sa buhay ni JC and Shontelle. She knows everything about him. His family. Maski nga kay Janessa eh, mukhang sobrang close nila. Well, hindi ko talaga alam kung bakit naging totoo nalang sila bigla.
Napatingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa mini table.
Kinuha ko iyon at in-on.
Nang nag-on na ito ay kaagad nagsi-datingan ang sunod-sunod na mensahe galing kay JC.
From: Your Handsome Crush
Klarisse?
Let's talk again. I'm sorry for what happened earlier.
Let's meet again, please. Sweetheart.
Para naman akong nabululan sa pang-huling text niya.
Sweetheart? Really?
Kahit na bumibilis na naman ang tibok ng puso ko ay nagtipa ako ng reply para sa kanya. Kailangan talaga kasi naming i-clear ang usapan namin kanina. I want to confess my feelings for him kahit hindi ako sigurado kung mahal niya ba talaga ako.
To: Your Handsome Crush
Okay.
Iyon lang ang naging reply ko sa kanya.
From: Your Handsome Crush
Same place. 9 am sharp tomorrow. Let's clear thing out.
To: Your Handsome Crush
Yeah, we really need to clear this thing out. See yah. :-)
From: Your Handsome Crush
See you. Sweetheart.
Hindi na ako nag reply sa kanya. Bago ako natulog ay nagdasal nalang ako na sana kung ano man ang mapag-uusapan namin bukas, sana ma-clear na namin. Kung kami talaga ang para sa isa't-isa then go. Pero kung hindi, wala naman na kaming magagawa. Masakit man pero kaya ko namang tanggapin iyon.
Though, my chance na hindi talaga magiging kami dahil andyan pala si Shontelle. His one and only first love. Sabi pa naman nila, first love never dies. Anong panlaban ko? Siguro napasaya ko ng kahit kaunti si JC at ayos na sakin iyon.
Pero ang hindi ko lang matatanggap ay baka nagiging panakip butas lang ako.
I can't accept that.
Itutulog ko nalang tong mga tanong sa isipan ko. Pero hindi ko lang talaga maiwasang magtanong kung bakit mukhang nagigi ng totoo ang dalawang fictional characters na botong-boto ko.
Shontelle and JC.
Perfect match.
Kung panaginip ko man ang lahat ng ito, sana magising na ako para naman malimutan ko na ang sakit.
Sino ba naman kasi ang hindi magtataka na ang fictional characters ay maging totoo?
Okay lang kung si JC Lopez pero may sabit eh. First love niya pa. Mukhang kailangan ko na yatang magising sa panaginip na ito.
It really feels so surreal.
Itulog na nga lang.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Novela JuvenilMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...