Klarisse's POV
Habang naglalakad ako hindi ko pinapansin ang mga dinadaanan ko hanggang sa....
"Aray"sabi ko sabay himas sa ulo ko at napaupo pa talaga ako ah nakakahiya...sino ba tong tao na to?
Nang tignan ko na kung sino siya 0_¤?
"Tsk stupid"sabi niya at tumalikod sakin then umalis.
My gosh ang gwapo niya at familiar ang mukha niya ah..
isip..isip..isip.....O_O?
"Wait....JC Lopez?"tanong ko sa lalaking naglalakad na palayo sakin aisshh nakakahiya ano ba kasi ang naisip ko at bigla ko nalang nasabi yun aissh napalingon tuloy ng mabilis sakin yung lalaki na nakakunot ng noo.
"Do I know you?"tanong niya na nakakunot pa din ang noo.
Teka totoo siya?
Wee talagang mukhang kamukha niya eh dahil ang gwapo niya hehe hindi ako sure lagot ako nito.
"Ah hi-hindi mo ako kilala pero are you JC Lopez?"curious na tanong ko at naglakad naman siya papalapit sakin.
Gosh kinakabahan ako.
"Answer me..do you know me?"awtoridad na sabi niya tsk nakakatakot naman nito sineryoso kaagad?
"Ah a-ano kasi joke lang yun hehe"sabi ko at tinalikuran ko kaagad siya tsk nagkakamali pala ako hindi pala siya hehe.
Nagsimula na akong maglakad ng may humablot sa kamay ko.
"Yes I am him so how did you know me?"tanong niya sakin kaya napalingon naman ako sa kanya.
"Wala lang tsaka bakit J-E-S-S-I-E ba ang spelling ng JC mo? At pronouns as JC?"tanong ko sa kanya at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.
Mas lalo namang kumunot ang noo niya.
"How did you know na Jessie ang spelling ng pangalan ko but pronouns as JC?"tanong niya.
I can't believe this....totoo ba talaga ang isang JC Lopez?
"Well wala lang ahmm nagmamadali kasi ako so mauna na ako bye tsaka sana nakamove on ka na kay Shontelle mo"sabi ko then nagsmile sa kanya at nagmadali na akong umalis papunta sa arcade hooo...kinakabahan ako dun ah baka kasi nagkakamali lang ako dahil pano magiging totoo ang isang JC Lopez?
Tsaka bakit ko naman yun nasabi na sana makamove on na siya kay Shontelle tapos baka hindi pala siya si JC tsaka ang dami kayang JC sa buong mundo noh at baka naweweirduhan na siya sakin dahil na sabi ko yun pero hindi naman pala siya aissh nakakahiya..ito kasing bibig ko eh huhuhu.
Well ewan ko kay author...
"Hi Ris maghintay muna tayo kay author sandali tutal malapit namang matapos ang book signing niya eh"sabi ni Hazel.
"Tsaka nakausap na din namin siya kanina na pwede ba natin siyang makausap sandali"sabi ni Alex.
"At ok naman daw"dagdag na sabi ni Vivian at tumango lang ako.
Aisshh di ako makaget over dun ah.
After a couple of minutes....
"Hi po"sabi ng familiar na isang magandang babae na nasa mga 14 or 15 years old.
"Oh tapos ka na palang nagpabook signing Janessa"sabi ni Alex.
So siya pala si Janessa.
"Ah ate ok niyo lang po bang magsnacks muna tayo tsaka treat ko nalang po"sabi niya at nag smile siya samin.
"Hi ate Klarisse"sabi niya sakin.
"Kilala mo siya?"sabay na tanong nilang tatlo kay Janessa.
"Ano kasi nasearch ko kasi si ate Klarisse sa facebook at nakita ko naman ang mga pictures niya kaya nakilala ko kaagad siya"sabi ni Janessa.
Nagsmile lang ako sa kanya.
"So tara na guyss lets snack muna"sabi ko at naglakad na kami papunta ng starbucks.
Nang makapasok na kami may napansin naman akong lalaki na nakaupo at namimili pa sa menu which is familiar ang mukha niya 0_¤?
JC?
Inalis ko naman kaagad ang paningin sa kanya my gosh naghahallucinate na talaga ako dahil ang addict ko kay JC Lopez sa Because Of Love gosh ultimate crush ko na nga talaga siya.
Umupo na kami sa isang table.
"Hoy Ris anong oorderin mo?"nagising naman ang diwa ko sa sinabi ni Vivian.
"Ah sorry a-ano---"
"Mukhang wala ka sa sarili mo ah kanina pa kita napapansin"sabi ni Hazel.
"Oo nga anong problema mo Ris?"tanong ni Alex.
"Wala ah kahit ano nalang bilhin niyo para sakin"sabi ko.
"Ok bilib talaga ako sayo bestfriend haha"sabi ni Vivian.
"Ang ganda mo talaga sa personal ate Klarisse"sabi ni Janessa sakin.
Aishh nakakaflatter naman hehe.
"Aissh ano ba"sabi ko at yumuko.
"Naku naku nahiya ka pa Ris ah asus malamang maganda ka dahil magaganda din ang mga bestfriends mo"sabi ni Alex na pinipigil ang tawa.
"Tama nga si Alex"sabi ni Hazel.
Napailing na lang ako.
Then after nun marami pa kaming pinag usapan at kahit papano naging close na namin si Janessa.
Tapos nun umuwi na kami at dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at humiga kaagad ako sa kama ko.
"Totoo ka nga ba talaga JC Lopez? O guni guni ko lang yun kanina?"tanong ko sa sarili ko.
My gosh nakakalito naman nito.
JC Lopez....totoo ka ba?
Psshh makatulog na nga...
Zzzzzz....
******
"Goodmorning Philippines"sabi ko at bumangon na ako tapos bumaba na para kumain then naligo kaagad ako tapos nagpaalam na ako kina mama at papa tapos lumabas na ng bahay then sumakay na kaagad ako sa school bus namin papunta sa YCHS.
Nang makarating na ang bus sa YCHS bumaba kaagad ako.
"RISSSS"sigaw na naman ng mga kaibigan ko tapos lumapit sila sakin.
"Naku alam niyo ba guyss magka apelyido pala si Janessa at JC noh"sabi ni Vivian.
"Oo nga...author kasi siya kaya syempre pwede niyang gawin kung anong gusto niya sa character ng story niya"sabi ni Alex.
"Kaya nga, naku baka maging future Lopez na ako nito haha"sabi ni Hazel.
"Che"sabay na sabi naming tatlo.
"Tsaka in your dreams noh...ako lang kaya"sabi ko.
"Che"sabay na naman na sabi nila.
Hindi nalang ako nagsalita at tapos nun nakarating na din kami sa classroom namin.
Umupo na kaming apat at sakto namang dumating na si maam.
Pero ewan ko ba sa isip ko bigla nalang lumipad at naalala ko na naman ang nangyari kahapon nung nakabangga ko si JC?
Well I don't know tsk nakakalito pero pano ba naman maging totoo ang isang fictional character?
Aisshh ewan ko nabobother pa din ako eh.
"Ms. Aguilar are you listening? Dahil kung hindi you may leave"nagising naman ang diwa ko sa sinabi ni maam.
"Sorry po maam di na mauulit"sabi ko at nagcontinue nalang si maam sa pagdidiscuss.
My gosh hindi padin ako makaconcentrate wusshuu...
Nakakastress sa bangs..
![](https://img.wattpad.com/cover/115448990-288-k258906.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Novela JuvenilMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...