-Chapter Twenty-Three-

22 2 0
                                    

Klarisse's POV

"Kuya alam mo dapat manghingi ka na ng advice ni ate tsaka ang lakas naman yata ng tama nung babaeng crush mo sayo" rinig kung sabi ni Kent sa loob ng kwarto ni Klent.

Hmmm ano naman kaya ang problema ng kapatid ko?

Makirinig nga.Nilapit ko naman ang tenga ko sa pinto para makinig.

"Arghh sige na nga tatanungin ko nalang si ate dahil mukhang maraming experience yun eh" sabi ni Klent.

"Oo nga.Halata namang hindi bakla yung kasama niya nung nakita natin" sabi ni Kent.

"Lalaki yun.Familiar nga sakin mukhang si kuya JC?" sabi ni Klent.

0_0?

Natakpan ko tuloy ang bibig ko sa dalawang kamay ko dahil sa narinig.

So kilala talaga nila si JC Lopez?

Noooo....

Napatili naman ako, muntikan na kasi akong mapagbasak sa sahig dahil binuksan pala ng kapatid ko ang pinto.

"Ate?" gulat na sabi ni Klent.

Napatayo naman ako ng maayos.

"Ate kanina ka pa ba sa labas ng pinto?" tanong ni Kent.

"Ah o-oo bakit naman?" kalmadong sabi ko.

"Wala naman ate ahmm" sabi ni ni Klent na mukhang nag iisip pa sa susunod na isasabi sakin.

"Tsk ano ba kasi yun baby boy?" pangangasar na tanong ko kay Klent.

"Ate naman, sa susunod ko nalang itatanong sayo" sabi ni Klent.

Nagkibit balikat nalang ako pumunta na sa hapag kainan kung saan nandoon na rin sina Mama at Papa.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad akong nagbihis dahil napag-usapan kasi naming apat nina Alex na mamasyal na naman.

Ewan ko ba sa kanila kung bakit sobrang hilig nilang gumala, at heto namang si ako ay sumusunod lang sa kanila.

"Ate sa'n punta mo?" salubong na tanong aa akin ni Klent nang papalabas na ako ng bahay.

"Mamamasyal lang kami nina Alex" sagot ko sa kanya.

Nagtaka naman ako sa pagbabago ng reaksyon niya na para bang may gusto sana siyang sabihin kaso hindi niya matuloy-tuloy.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Ah, w-wala. Wala" sabi niya at ngumiti ng hilaw sa akin.

Mas lalo namang kumunot ang aking noo at napataas ang kaliwang kilay ko.

"May tinatago ka ba sakin?"

"Huh? Wala ate ahmm, may itatanong lang sana ako sayo kaso may lakad ka pala kaya mamaya nalang pag-uwi mo" nahihiyang sabi niya.

"Seryoso?" tanong ko ulit sa kanya.

"Oo ate, seryoso" sabi niya.

Nginitian ko nalang siya at pi-nat ang kanang balikat niya.

"Okay" iyon nalang ang sinabi ko at tumuloy na sa paglabas.

------

Nang makarating na ako sa mall ay kaagd ko namang nakita sa isang bench malapit sa  national bookstore sina Hazel at Vivian. Mukhang late na naman si Alex. Napailing nalang ako sa aking naisip.

Maglalakad na sana ako papalapit sa kanila nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Ris?"  a serious tone welcomed me.

Yung puso ko tumibok na naman ng mabilis hahays.

"J-jc?" nauutal na sambit ko.

"Are you free today?"

"Ahmm, may lakad kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko pasensya na" nanghihinayang na sabi ko.

Bakit ba kasi ang malas ng timing ng pagtatanong niya?

May lakad tuloy ako ngayon hehe. Sayang.

"Ganoon ba?" nanghihinayang na sambit niya kaya hindi ko tuloy maiwasan na magsalita ulit.

"Pero hindi naman kami whole day na mamamasyal ngayon, so maybe this afternoon free na ako"

My goshh, nahihimigan ko na ang sarili kong boses na atat na atat na makasama siya mamaya.

Get a hold of yourself Klarisse.

"Talaga?" para namang nabuhayan ang boses niya o guni-guni ko lang iyon. Imposible namang magiging masaya siya.

In my dreams.

"O-oo. Bakit?"

"I just wanna invite you to a dinner date mamaya" diretsahang sabi niya na dahilan kung bakit muntikan na akong mapa-upo sa sahig.

Okay, ang OA ko na.

Syempre joke lang yun pero seryoso. Hindi ako makapaniwala na inaanyayahan niya akong magdinner at DATE pa talaga.

My goshh, I kennat.

"Klarisse?"

Nabalik naman ako sa aking ulirat.

"A-ah. S-sure. Sure" paniguradong sagot ko sa kanya.

"Yes" halata sa boses niya ang kasiyahan kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng malawak.

Pagkatapos ng tawag namin ay hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala ang tatlo kong MABUBUTIng kaibigan.

"Naku naku naku, ang lawak ng ngiti natin gurl ah" nanunuksong sabi ni Alex.

"At namumula tayo ah" dagdag naman na sabi ni Vivian.

Dahilan kung bakit mas nahiya at namula pa ako.

"May date kayo ni JC?" nangingiting tanong ni Hazel.

"Ah, hindi naman pero--"

"Parang ganun na nga?" natatawang sabi ni Alex.

"Ayieeee"

At doon na nagsimula ang panunukso nila sakin hanggang sa umabot na kami sa greenwich kung saan napag-usapan naming mag-snacks.

"So, kwento na gurl" sabi ni Vivian habang kinakain ang kanyang pizza.

Wala naman akong choice sa kanila upang hindi ko sabihin kaya kinwento ko nalang ang tungkol don sa pag-anyaya sakin ni JC na dinner date mamaya.

"Oh, ano pa bang hinihintay mo bes. Alis na chupi at maghanda ka na para mamaya sa dinner date niyo ni fafa JC" baklang sabi ni Alex na dahilan upang nagtawanan kami.

"Nganaman. Go ra na Ris at magpaganda ka ng bongga para mamaya" ngiting sabi ni Hazel.

"Para don lang, ayoko noh" pigil na ngiting sabi ko.

"Amsess, chance mo na to gurl kaya grab na before umeksena yang si Shontelle" sabi ni Vivian.

Bigla namang may sumagi sa isip ko at ramdam ko ang kaunting kirot sa aking puso.

Paano kung totoo na nag exist talag si JC at totoo talaga ang tungkol sa kanilang dalawa ni Shontelle? May laban ba ako eh mukhang inlove na inlove pa naman si JC sa kanya.

Hayss, nanikip bigla ang dibdib ko.

Ayoko nito.

Hulog na ba talaga ako sa kanya?

Ba't parang ang bilis naman?

Well, sabi nga nila pag nahulog ka sa isang tao hindi mo talaga basta-bastang mako-control ito kaya nga tinawag na falling in love eh. From the word fall. Bakit pag bumagsak ba ang isang tao sa sahig, mako-control ba niya na huwag sumalampak sa sahig? Hindi diba.

I think, I really am falling for him.

My Ultimate Crush Is A Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon