-Chapter Twenty-Five-

21 5 0
                                    

Klarisse's POV

"Can I ask you a question Klarisse?" seryosong sabi niya.

Unti-unti namang namuo ang kaba sa dibdib ko.

Ano kaya ang itatanong niya?

"A-ano?" sabi ko habang pilit na tinatago ang kaba na nararamdaman.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Can I court you?" bakas sa boses niya ang kaba at hindi na niya ako ni magawang tignan ngayon.

Wait,

Hanodaw?

Can I court you?

Can I court you?

Can I court you?

Hindi ko na talaga ni magawang makapagsalita pa. Ilang beses ko nga'ng ni replay sa utak ko ang sinabi niya pero parang ang hirap mag-sink in.

Si JC Lopez?

Ang Ultimate sa mga ultimate crush ko manliligaw sa akin?

Nababaliw na ba ako?

Sobra na ba talaga ang imahinasyon ko sa kanya?

Mukhang kailangan ko nang magising sa panaginip kong ito---

"Klarisse?" salita ni JC.

Dahilan kung bakit nabalik na ako sa aking sarili.

Napakurap-kurap muna ako ng ilang beses bago ko binaling ang pagtingin sa kanya na halatang kinakabahan.

Bakit naman siya kakabahan? Eh hindi naman siya ako?

Hayss, kung ano-ano na talagang hangin ang pumapasok sa sarili ko, hindi ko na tuloy alam ang mga ideyang pumapasok sa utak ko.

"Ah, wait. Ikaw? Manliligaw sa akin? Imposib--"

"Why not, Klarisse? Bawal ba?" nakakunot-noong tanong niya sa akin.

"H-hindi naman pero parang nakaka-overwhelm naman kung ang isang JC Lopez ay manliligaw sa akin" nahihiyang sabi ko sabay yuko.

"So it's now a sin to be a JC Lopez?"

"Huh? Hindi naman. It's just that, hindi lang talaga ako makapaniwala lalo na't--" hindi ko nalang dinugtungan ang pagkakasabi ko dahil ba ka mas maweirduhan siya sa akin pagmababanggit ko sa kanya ang tungkol kay Shontelle.

Naguguluhan talaga ako kung totoo din ba su Shontelle pero mukhang totoo nga.

"Lalo na't?" kuryusong tanong niya sa akin.

"Ah, wala. Hindi lang talaga ako makapaniwala" ulit na sabi ko habang hindi siya tinitingnan.

"May hindi ka ba sinasabi sakin, Ris?" sabi niya at halata sa mukha niya ang pagkalito.

Bakit, dapat ko bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko?

No way.

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Tumango nalang siya pero halata namang hindi siya kombinsido sa naging sagot ko.

"So, am I allowed to court you?" he seriously ask.

Bigla na namang bumalik ang bilis ng pintig ng puso ko.

My heart.

Arghhhh!

"B-bakit naman h-hindi?" nahihiyang sabi ko at yumuko na.

I can't meet his gaze right now okay?

My Ultimate Crush Is A Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon