-Chapter Twenty-Nine-

15 3 0
                                    

Klarisse's POV

*Flashback*

Nauna na ako dito sa mall na napagkasunduan namin ni JC na manuod ng sine. Syempre hindi natuloy ang panunuod namin ng sine kahapon dahil medyo gabi na kaming nakauwi.

I'm excited at the same time kinakabahan para sa gagawin kong surpresa para sa kanya.

Hooo.

Hinga'ng malalim Klarisse.

Nang makita ko na si JC na papalapit sa kinaroroonan ko ay nginitian ko kaagad siya. Napawi nga lang ang ngiti ko dahil sa reaksyon niya na parang naguguluhan.

"May problema ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sakin.

"Nothing. But are you okay?" tanong niya na hindi ko inaasahan.

Bakit niya naman na tanong?

"O-oo naman. B-bakit?" medyo kinakabahan ko pa ring sabi.

"You look like nervous and uneasy" sabi niya at hinawakan ang kabilang braso ko.

"Hey, are you really okay?" nag-aalalang tanong niya.

Para namang may humaplos sa puso ko.

Feeling ko namumula na ang dalawang pisngi ko.

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Is just that, kinakabahan talaga ako para sa surpresa ko sa kanya.

Hindi ko alam kung papaano sasabihin.

"Are you sure?" paninigurado pang sabi niya

"Y-yeah" sabi ko at nginitian siya para mapanatag na siya.

Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Well, then let's go?"

Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa sinehan.

But before that, huminto muna kami sa nagtitinda ng popcorn para bumili.

Habang nakapila kaming dalawa ay bigla nalang may tumawag sa kanya.

"Kuya JC?" tawag ng isang boses ng babae.

Napalingon kami at nagulat ako sa nakitang taong tumawag sa kanya.

"Nessa?" tanong ni JC sa babaeng tumawag sa kanya.

"Kuya, anong nakain mo at namamasyal ka dito sa mall?" tanong ng pamilyar na pamilyar na babae.

Mukhang hindi niya pa ako napapansin na kasama ako ng kuya niya dahil nasa likod kasi ako ni JC.

"I'm with--"

"JC?" tanong ng isa pang---0_0?

Ang ganda naman niya.

Para siyang--.

"Shontelle?" tanong naman ni JC.

Confirmed.

Si Shontelle nga---wait she exist?

Nagsimula ng nanikip ang dibdib ko.

I feel a small pang inside my chest.

"It's been awhile. Wait, are you with someone?" tanong niya.

Parang nanliit ako sa sarili ko kaya I stepped backwards.

Ang sakit.

"Well, kind of" sabi ni JC sabay lingon sakin.

"Oh" medyo gulat na sabi ni Shontelle sabay tingin sakin.

From head to toe.

Mas lalo akong napaatras kaya nagtaka na si JC.

My Ultimate Crush Is A Fictional CharacterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon