Klarisse's POV
Epilogue
Third Person's View
Simula nung araw na yun pinipilit ni JC na makamove on ng madali kay Shontelle pero pano siya makakamove on kung walang closure ang pagbrebreak nilang dalawa?
Kaya hanggang ngayon nagtatanong pa din si JC sa sarili niya kung anong pagkukulang niya kay Shontelle o nasaktan ba niya ito dahil naging wala itong time sa kanya bigla.
At dahil walang magawa si JC pumunta nalang siya sa music room nila tapos tumugtug siya ng piano dahil piano kasi ang nakakapagwala ng stress niya.
Habang tumutugtug siya ng piano inaalala niya ang mga happy memories nilang dalawa ni Shontelle and napag isip din niya na its time na para mag move on na siya dahil dalawang buwan na din ang nakalipas simula ng nakipagbreak sa kanya si Shontelle which is sa monthsary pa nila.
Kaya mas lalo siyang nasaktan nung time na yun.
And maybe my right girl din para sa kanya at siguro hindi si Shontelle ang nakatadhana sa kanya at kung sino man yung babaeng makakatuluyan niya maswerte siya.
Author's Note
Hi guyss sorry talaga dahil sad ang ending hah?
Pero wag kayong mag alala dahil may book two ito kaya lang wala pa akong plot para sa book two pero I'm sure na makakagawa po ako ng book two nito.
And wait si Shontelle pa din ba kaya ang makakatuluyan ni JC sa book two?
Or an another girl that magpapatibok ulit ng puso ng isang JC Lopez?
Well just subaybay nalang ha?
Dahil gagawan ko talaga at ipopost ko na lang sa twitter ko ang title sa book two kung makagawa na ako and ang twitter account ko ay jneyssa143 padin so please follow me guyss thank you mwahh mwahh😙😙😙
Hayss nakakabitin naman pero maganda naman ang story kaya lang hindi ko gusto ang mga sad endings na mga story pero ok lang naman tsaka ifofollow ko na lang si author sa twitter para maka update ako sa kanya dahil baka happy ending na ang book two.
At dahil tapos na akong magbasa...matutulog na ako.
Zzzzzzzz....
********
"Goodmorning Philippines"sabi ko at bumangon na mula sa pagkakahiga.
Bakit masaya ako?
Hehe ano kasi ewan ko ba kahit sad ending ang Because of Love pero ano kasi feeling ko kasi hindi na taken si JC oh my gosh haha asa pa ako eh hindi naman totoong nag eexist siya sa world nato.
Tsk makababa na nga.
"Goodmorning ate"bati sakin ng dalawa kung kapatid habang nag aalmusal na sila kasama sina mama at papa.
"Morning"yun na lang nasabi ko at umupo na para kumain.
"Ate pwede hinging favor?"tanong sakin ni Klent.
"Ano?"sabi ko habang ngumunguya sa pagkain.
"Pabili sana kaming dalawa ni Kent ng novel mamaya sayo"sabi ni Klent.
"Ano naman ang title?"tanong ko.
"Kahit ano nalang ate basta panglalaki ah ayaw nami ng love love"sabi ni Kent.
"Asus..."sabi ko pero tumango naman ako.
"Thank you ate"sabay nilang sabi.
Tapos naming kumain naligo kaagad ako then bihis tapos nagpaalam na ko kina mama at papa then labas ng bahay at sakto namang dumating na ang school bus namin kaya sumakay kaagad ako.
.........
Nakarating na din kami sa YCHS at bumaba naman kaagad ako then nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom namin.
"Guyss book signing mamaya ni jneyssa143..pupunta ba kayo?"girl 6.
"Yup"girl 7.
Wow book signing pala ni Janessa mamaya tsaka saan naman kay siya magbobook signing?
"Risss...."rinig kung sigaw ng mga MABUBUTI kung kaibigan kaya lumingon naman ako.
"Hi"bati ko sa kanila.
"Pupunta ka ba mamaya sa book signing ni jneyssa143?"tanong ni Vivian sakin.
"Wala naman akong book eh"sabi ko.
"Ano ka ba Ris hindi naman tayo magpapabook signing eh...makikipagmeet lang tayo kay jneyssa143"sabi ni Alex.
"Ok tsaka saan naman magpapabook signing si jneyssa?"tanong ko.
"Sa Mall"sabi ni Hazel.
"Sakto lang pala dahil pupunta din kasi ako mamaya sa mall dahil pinapabili ako ng mga kapatid ko ng isang novel"sabi ko.
"K punta tayo mamaya"sabi ni Vivian.
Tapos nun nakarating na din kami sa classroom namin then nagsimula naman kaagad ang teacher namin.
Salamat naman at hindi na kami nagrereview dahil nakakapagod.
Kinig sa teacher....
Kinig sa teacher....
Then.....
Fastforward...
RRRINGGGG...
"Tara na guyss lets go na dahil excited na naman ako magmall"sabi ni Alex.
"Ako nga din eh"sabi ni Hazel.
"Me too"sabi ko at lumabas na kami ng classroom namin and nang makarating na kami sa labas ng gate pumara kami ng taxi papunta ng mall.
@Mall
"Guyss saan ba magbobook signing si jneyssa143?"tanong ko sa kanila.
"Malapit sa arcade daw sabi nila"sabi ni Vivian.
"Ahmm mauna muna ako sa national bookstore ah dahil bibili muna ako ng novel...kitakits na lang tayo dun sa book signing ni jneyssa"sabi ko.
"K take care"sabi ni Alex.
Tumango lang ako at umalis na papunta sa national bookstore.
@National Bookstore
"Alin kaya dito ang magagandang basahin na novel?"sabi ko sa sarili ko habang pumipili ng novel para sa dalawa kung kapatid.
Pili....
pili....
pili...
"K ito na lang dahil maganda ang introduction eh haha"bulong ko sa sarili ko.
"Gosh mukha na akong baliw dito"sabi ko ulit sa sarili ko at narinig ko namang may tumawa ng mahina sa likuran ko.
Kaya nilingon ko naman at nakita ko namang may isang lalaking nakaupo sa may bench na may binabasa na novel.Sa loob kasi ng national bookstore nato may mga benches din ito para sa mga tao.
At nakangiti pa din siya habang nagbabasa asus ang gwapo naman nito tsaka mukha namang hindi nakakatawa yung binasa niya ah dahil tungkol kasi ang novel na binasa niya sa mga wars.
Pero di ko alam tsk makapunta na nga sa counter dahil nadidisturb ako sa kagwapuhan niya hehe.
"Ilan po lahat ate?"tanong ko sa babae sa counter.
"500 po lahat maam"sabi niya at tumango lang ako at binigay sa kanya ang pera ko.
Then after nun lumabas na ako sa bookstore.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Roman pour AdolescentsMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...