Klarisse's POV
Hawak-hawak pa rin ni JC ang kamay ko habang pumipila kami sa linyahan ng Ferris Wheel.
Excited ako na kinakabahan dahil hindi ako sanay na may humahawak sa kamay ko. At si JC Lopez pa talaga ah.
Ayoko na talaga.
Nang oras na namin para sumakay ay mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay kaya napatingin tuloy siya sakin.
Nahiya naman ako kaya medyo niluwagan ko ang pagkakahawak sa kamay niya kaso siya na mismo ang mas humigpit pa sa pagkakahawak nito.
Uminit naman ang pisngi ko.
"Are you scared?" tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya.
"Don't worry because I'm here with you" he assured me.
Hayy.
Feeling ko mas lalo akong namula ngayon.
Nginitian ko nalang siya and then he patted my head.
Sa buong sakay naman ay halos hindi na ako gumagalaw sa upuan ko at tinawanan niya lang ako, dahil mukha na daw akong na frozen na tao.
Hindi ko nalang siya pinatulan dahil kinakabahan talaga ako. Feeling ko sasabog na ang puso ko lalo na't hawak parin niya ang kamay ko.
Sa mga oras na nakatingin siya sa view ay hindi ko rin maiwasang titigan siya lalo na't bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Napangiti na rin tuloy ako at hindi na pinansin ang kaba na nararamdaman.
Nang mapansin niya na nakatitig ako sa kanya ay bumaling naman siya sa akin. Mabilis naman akong umiwas ng tingin at napanguso habang nakatingin sa magandang view sa baba.
"You are beautiful, Klarisse" out of the blue na sabi niya kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Naku, mukhang ito yata ang ikakamatay ko eh. Ang atakihin sa puso.
Jusko po.
"Ahmm, thanks" sabi ko nalang at nginitian siya.
Nginitian din naman niya ako.
Okay, so ganito siya manligaw?
No wonder, mabilis lang siyang sasagutin ng mga babae dahil kung makapakilig eh grabe.
Pagkatapos ng panlalandi niya sa akin sa buong sakay namin ng ferris wheel ay napagpasyahan naman naming pumunta muna sa mall at manuod ng movie.
He is really that thoughtful.
Hindi ko inaasahan na marami talaga siyang plano para sa date namin ngayon.
Maaga pa naman kaya okay lang.
7:34 P.M.
10 P.M. pa naman ang curfew ko kaya okay lang.
"Do you have siblings?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit na mall galing sa amusement park.
"Yeah. Dalawang lalaki" sagot ko.
Himala nga at binitawan na niya ang kamay ko. Sa malamang, sobrang oily na siguro at naalibadbaran na siya. Eh sa kinakabahan ako kaya nagsilabasan ang pawis sa kamay ko. Nakakahiya.
"Can I meet them?" seryosong sabi niya kaya mas napatingin na ako sa kanya ngayon.
"Seryoso?" di-makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Yup. Why? Is there any problem?" tanong niya.
"Ah, wala naman. Pero sige, tatawagan nalang kita kung kailan" sabi ko.
Tinanguan lang niya ako at lumipas ang ilang minuto na walang nagsasalita sa amin.
Awkward.
Hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng mall.
Habang naglalakad papunta sa sinehan ay hindi ko na namalayan na naka una na pala ako ng kaunti sa kanya.
Ba't mukhang bumagal yata ang lakad niya?
Nilingon ko naman siya at nagtaka ako sa asal niya dahil parang naguguluhan siya.
Nilapitan ko nalang siya.
"May problema ka?" tanong ko sa kanya kaya mas nafocus na ang atensyon niya sakin ngayon.
"Nope. But I just wanna tell you something ahmm ask I mean" uneasy na sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano?"
"Ahmm, can I m-meet your parents?" diretsahang sabi niya at nakita kong namula ang kanyang tenga.
Natawa naman ako kaya mas lalo siyang naging uneasy at parang kinakabahan.
"Oh, bakit parang kinakabahan ka?" panunuksong sabi ko sa kanya.
"Well, it's your parents okay,so it's normal for me to feel nervous" sabi niya.
"Ah,okay" ngising sabi ko at saka ko hinawakan ang kamay niya. Nagulat naman siya. Hindi siguro niya inaasahan na hahawakan ko ang kamay niya.
"I'll schedule nalang kung kailan" sabi ko at hihilahin na sana siya papunta sa sinehan kaso kuminang ang mata ko nang makakita ko ang national bookstore.
"Wait, hintayin mo nalang ako dito Jace dahil may titignan lang ako sa bookstore" sabi ko at bibitaw na sana ako sa pagkakahawak sa kanya kaso ayaw niya akong bitawan.
At sana ang naghila sakin papunta sa loob ng bookstore.
Magrereklamo pa sana ako dahil hindi naman niya kailangan pa'ng samahan aki dahil nakakahiya pero nang makapasok na kami ay hindi ko na magawang umapila pa, dahil naamoy ko kaagad ang bango ng mga librong gustong-gusto ko.
Sana available ang gusto kong mga libro dito ngayon.
"Don lang ako sa may sci-fi books na section" sabi niya sakin kaya tinanguan ko lang siya.
Pagkatapos ay nagsimula na akong naghanap sa mga librong gusto kong bilhin.
At nakita ko kaagad ang Because of Love kaso parang awkward para sa akin dahil kasama ko si JC. Mukha pa namang siya talaga ang main character sa story nato.
Mahanap na nga lang ng iba.
Gossh, Worthless by jonaxx.
Mabuti't available to dito. Mabili nga. Mabuti rin talaga't nagdala ako sa na earned kong money kaya mabibili ko ito.
Dinampot ko na iyon at naghanap pa ng iba.
"Yan lang ang gusto mong bilhin?" sabi ng boses sa likod ko.
Gulat man ay alam ko kung sino ito.
JC, ofcourse.
Pero nang napalingon ako ay hindi pala. Ibang tao pala pero familiar siya sakin
"Hindi mo na ako naaalala?" malungkot na sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko.
"Hindi pero familiar ka sakin" sabi ko at pilit siyang inaalala kung saan ko siya nakita.
Wait,
"Tyler?" tanong ko kaya napangiti naman siya.
"Mabuti't naaalala mo pa pala ako--"
"What about it?" masungit na sabi ng isang boses sa tabi ko.
Okay, alam kong si JC na talaga ito.
Napatingin naman si Tyler sa kanya na nagtatanong ang mukha.
"I'm her boyfriend. So mind if I excuse her?" seryosong sabi niya na nakapaglaglag sa panga ko.
Pati nga rin si Tyler ay hindi makapaniwal at nag sign nalang siya sa akin na aalis na siya. Tinanguan ko nalang siya dahil ang puso ko.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush Is A Fictional Character
Teen FictionMeet Klarisse Aguilar isang babaeng walang crush kahit ni isa pero nang magsimula siyang maaddict sa WATTPAD nagkaroon siya ng crush which is Fictional Lang at sobrang addict siya sa story na ang Lead Character ay ang crush niya na si Jessie pronoun...