Chapter 2

57 4 1
                                    

Chapter Two

Hailey's POV

Lunch Break

"Hi Beatrice."

Napalingon ako sa babaeng nag hi kay Beatrice. Ngumiti lang sa kanya si Beatrice.

Napatingin sya sakin at ngumiti pero inirapan ko lang sya. Tsk, Plastik. Alam ko namang galit sya sakin dahil hindi sya ang First Honor dahil lagi ko syang natataasan.

Bakit ako galit sa kanya? 

*Flashback*

3rd year high school nung nagtransfer ako dito sa I.U nag aral dahil nakapasa ako sa scholarship. 

(A/N: I.U means Irish University. Wala akong maisip na pangalan ng school kaya name ko nalang. Hihi.)

Akala ko namalik mata lang ako ng makita ko si Ate kasama ang apat na lalaki at isang babae. 

Lalapit sana ako sa kanya ng marinig kong tinawag syang Beatrice ng isa sa mga sa kasama nya. At saka naalala ko na hindi sya nakapasa sa scholarship dito.

Tinitigan ko itong mabuti at kamukang kamuka ni Ate Hannah. Nagtaka ako, bakit sila magkamuka? Kambal ba sila? Bakit wala naman samin si Mama tungkol dito? Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung paano masasagot.

Nagtanong tanong ako tungkol sa Beatrice na yun at nalaman kong Gonzales din ang apilido nya katulad ni Ate. At nakumpirma kong kambal nga sila ni Ate.

Minsan ay nakita ko din na sinundo sila ng Daddy at Mommy nya. Nung araw na yun di k mapigilang maiyak.

Iniwan kami ni Papa para lang sa kanila. Naghihirap kami ni Ate samantalang ang mga anak ni Daddy sa ibang babae ay namumuhay ng masaya at hindi naghihirap.

Alam kong kapatid ko si Beatrice pero ayoko sa kanya. Galit ako sa kanya. 

Masisisi nyo ba ako kung ganito nalang kalaki ang galit ko sa kanya? Mahirap lumaki ng walang ama. 

*End of Flashback*

Magkaklase kami ni Beatrice. At simula ung nalaman ko ay nag aral akong mabuti upang mas mataasan ko sya sa lahat ng bagay.

Hindi ko na din sinabi ito kila Mama at Ate dahil alam kong masasaktan lang din sila.

Beatrice's POV

Nakakainis ang taray talaga ni Hailey. >__<

"Okay class dismissed." sabi ng teacher namin "At Beatrice maiwan ka at kakausapin kita." dagdag pa nito. Tumango lang ako.

Pagkalabas ng mga students ay kinausap ako ni Ma'am Ocampo. Ang adviser namin. 

Si Ma'am Ocampo ay kinuha din ni Daddy bilang tuitor ko. Gusto kasi ni Daddy na maging 1st Honor ako. 2nd Honor lang kasi ako, at hindi yun tinatanggap ni Daddy.

Nag aaral naman akong mabuti eh, sadyang matalino talaga si Hailey at hindi ksya kayang talunin. Academics man o curricular. 

Pagkalabas ko ng room ay sinalubong ako kaagad ni Ken at Andrei.

"Oh bakit malungkot ka?" tanong sakin ni Ken tapos inakbayan ako.

"Sinabi ni Ma'am na hindi ko daw talaga kayang maging 1st honor." sabi ko sabay yuko. Hayy. Madi-dissapoint ko na naman si Dad.

"Ang talino naman kasi ni Hailey eh." sabi sakin ni Ken.

Bigla naman huminto sa paglalakad si Andrei kaya napahinto din kami ni Ken kasi nauuna syang maglakad samin.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon