Hailey's POV
Gabi na at natapos na kami at nagliligpit nalang kami ng mga gamit. Nauna nang umalis ang iba at naiwan si Beatrice. Pinauna ko si Antheza sa may kotse nya at dinala nya yung mga gamit namin.
"You bitch!" hindi na ako nakatiis at sinugod ko sya.
"A-ano b-ba?!" nauutal na sabi nya ng hinawakan ko ung buhok nya.
"Napakaselfish mo!"
"Hindi ko na kasalanan na ako ang pinili nya!"
"Ang sama ng ugali mo! Alam mo kasing mahalaga ka sa kanya kaya pinapili mo sya. Alam mong hindi ka nya kayang iwan. Minsan lang sya nagmahal pero sinira mo pa!"
"Dahil hindi ko hahayaang mawala sa'kin ang kahit na sino sa kanila. Bakit ba hindi mo maintindihan yan?!"
"Ganyan kana ba kaselfish ha? Tinatali mo ang mga tao sayo kahit alam mong nasasaktan na sila."
"Hindi totoo yan! Hindi ko sila nasasaktan."
"Totoo yun bitch! Hindi mo ba nakikita ha? Napipilitan lang silang mag stay sa tabi mo kasi importante ka sa kanila. Kasi ikaw ang Prinsesang inaalagaan nila. Feeling nila Mission nila ang alagaan at ingatan ka. Pero hindi ibig sabihin nun na sayo na iikot ang mundo nila! Tao din sila na nagmamahal. Hindi sila makapagmahal ng babae kasi ayaw mo. Kasi gusto mo ikaw lang ang Prinsesa nila. Inaaway mo lahat ng babaeng magiging parte ng buhay nila kasi natatakot ka na baka iwan ka nil--"
"Tama na!"
"Natatakot ka na baka palitan ng mga babaeng yun ang pwesto mo sa buhay nila. Diba?"
"Tama na please?!"
"Tama na? Bakit ayaw mo bang marinig kung gaano ka kaselfish ha?"
"Oo inaamin ko selfish ako! Ano masaya kana ha? Ayaw kong magkaroon ng ibang babae sa buhay nila kasi gusto ko AKO LANG! AKO LAN--"
Natigilan syang magsalita nang makita nyang may hawak akong kutsilyo at susugurin ko sya.
"Papatayin kita! Bitch ka!" sabi ko habang papalapit sa kanya. Wala akong balak patayin sya gusto ko lang matakot sya.
Natakot naman sya kaya bigla syang tumakbo pero nadulas sya at tumama yung ulo nya sa pader.
Nakita ko nalang na dumudugo yung ulo nya at may sinabi sya. "Gaganti ako. At sisiguraduhin kong mas masakit ang ganti ko." Tapos nawalan na sya ng malay.
"Oh My Ghad, Hailey! A-anong g-ginawa m-mo?" nauutal na sabi ni Antheza habang nakatayo sa may pintuan at nakatingin samin.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...