Chapter14

30 4 0
                                    

Beatrice's POV

Sabay kaming pumasok ni Harvey kasi sinundo nya ako sa bahay. Masaya kaming nagkukwentuhan habang nagda-drive sya. At masaya naman sila Ate Mich at Kuya na makita kaming masaya.

Kasabay ko din syang magrecess at maglunch. Katatapos lang ng lunch namin at pumunta muna ako ng cr bago pumunta ng room. Nadatnan ko naman dun si Hailey.

Hinawakan nya yung braso ko. "Beatrice bakit mo ba ginawa kay Antheza yun ha? Bakit mo sya pinapalayo kay Andrei?"

Napangisi naman ako at hinila yung braso ko. "Ow, sinabi pala sayo ng bestfriend mo yung pinag-usapan namin. At yun ba? Ayoko lang kasing may basurang umaaligid sa mga kaibigan ko. At wag kang mag-alala dahil hindi lang si Antheza ang ilalayo ko sa kaibigan ko, pati ikaw din."

"At sino naman nagsabi sayo na lalayuan ko si Ken?"

"Ako? Wag mo 'kong pilitin Hailey na gumawa mali para lang lumayo ka kay Ken."

"Napakasama mo Beatrice." sabi nya at akmang itutulak nya ako pero pinigilan ko sya.

"Masama? Osige para hindi mo naman sabihin na masama ako bibigyan kita ng choice. Ikaw ang lalayo or si Ken mismo ang lalayo sayo?"

"Hinding hindi ako lalayuan ni Ken, Beatrice. Baka nakakalimutan mo, mahal nya ako."

Tumawa naman ako. "Mahal? Sa tingin mo Hailey.. sino kaya ang mas mahal ni Ken sa'ting dalawa?"

Ngumisi naman sya. "Nakakalimutan mo din yata na mahal ka nya.. dati. At ako Beatrice, ako na ang mahal nya ngayon."

"Talaga lang ha? Tingnan lang natin kung mahal ka nga talaga nya. Basta wag mong kalimutan na binigyan kita ng choice ha? Kasi alam mo hindi ako masama, ayoko lang ng may nakikishare sakin." sabi ko at saka lumabas pero pinigilan nya ako.

"Papatunayan ko sayo na mahal ako ni Ken!" madiin nyang sabi.

"Kung yan ang gusto mo. Pero dahil good mood ako bibigyan kita ng oras para makapag-isip kung anong choice ang pipiliin mo. Pero kung ako sayo, ako na mismo ang lalayo kasi hindi mo naman siguro gugustuhin na layuan ka ni Ken diba?" sabi ko at tuluyan ng umalis.

***

Pagkatapos ng klase namin ay agad hinila ni Hailey si Ken palabas ng room. Sigurado akong sasabihin na ni Hailey kay Ken yung ginawa ko. I smirked. Makulit talaga sya, tingnan lang natin kung sino yung mas paniniwalaan ni Ken.

Sinundan ko naman silang dalawa. Si Andrei naman ay umuwi pagkatapos ng lunch dahil dadating daw dito si Tita Andrea. Yung mommy nya.

Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa rooftop.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon