Hailey's POV
Medyo nalate kami ni Antheza kasi sinundo pa nya ako dahil gusto daw nyang sabay kaming pumasok.
Tatlong araw na din ang nakalipas simula nung nag-usap kami ni Ken. Tatlong araw din syang pumasok. Hindi ko alam kung bakit at wala din akong balak na alamin pa.
Habang naglalakd kami ay nakangiti naman sa'min yung mga students. Hindi ko alam kung bakit.
May lumapit samin na isang lalaki na may hawak na rose tapos binigay sakin. May maliit na note na nakalagay sa tangkay ng rose at may nakasulat na 'S' napakunot naman yung noo ko.
Tatanungin ko sana yung lalaki pero nakaalis na sya.
"Ay Girl ang taray ha?" panunukso nya sakin. "S? Anong S?" tanong nya sakin ng makita yung note. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko alam yung sagot.
"Baka naman S for Sexy. Kasi sexy ako eh." pagbibiro ko naman kaya naman natawa kaming pareho.
Maya maya ay may nagbigay na naman ng rose. At ang nakalagay na naman ay 'O' nagkatinginan naman ulit kaming dalawa. Nagtataka na talaga ako.
Hanggang sa nabuo na yung word sa notes ay ang nabup ay 'SORRY'
"Oh girl tumingin ka sa harap mo. Ayun si Fafa Ken oh. Hihi." sabi nya sabay turo kay Ken na nakatayo at nakatingin samin. Medyo malayo lang sya samin.
Tatalikod na sana ako ng tumakbo sya papalapit samin at hinawakan yung braso ko. Yung mga students naman ay parang nanunuod ng pelikula at mga kinikilig. Palibhasa hindi nila alam kung ano yung ginawa ni Ken. >___<
"Hailey, wait please lang pakinggan mo naman yung sasabihin ko." sabi nya habang nakatalikod pa din ako sa kanya.
Humarap naman ako sa kanya at tinaasan lang sya ng kilay. "Ano ba kasing sasabihin mo?"
"Sorry."
Natawa naman ako ng mapait. "Sorry? Ilang ulit mo ng sinasabi yan Ken. Hindi kaba nagsasawa?"
"Hindi ako magsasawa hangga't hindi mo ako pinapatawad." sabi nya tapos hinawakan yung mga kamay ko.
Hinila ko naman yung mga kamay kong hawak nya. "Wag ka ng mag-sorry Ken. Sayang lang ang effort mo kasi alam mo hinding hindi kita mapapatawad." seryosong sabi ko sa kanya.
Bigla naman syang lumuhod.
Napa'oowww' naman yung mga estudyante.
"Sorry. Sorry. Sorry. Sana mapatawad mo ako Hailey. Kasi mahal kita." sabi nya habang nakaluhod. "At this time, totoo na." dagdag pa nya pero hindi ko sya pinansin at tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...