Chapter 20

14 2 0
                                    

Their Past.

Ken's POV

"Dude, sigurado kana bang aalis tayo ng Pilipinas na hindi kasama si Princess?" tanong ni Andrei sakin nang makarating kami sa airport. Tumango nalang ako.

Hindi ko alam kung nasaan si Hilary. Basta ang alam ko hindi sya ang babaeng nakausap ko kanina sa coffee shop. Siguro nga sya si Beatrice Hannah, ang kakambal ni Hilary.

*Flashback*

7 years ago.

Nagpahatid ako sa bahay nila Hilary para mangopya ng assignment sa kanya. Matalino kasi sya. Hahaha.

"Hi Tita Via, si Princess po?" tanong ko kay Tita Via nang nakarating ako sa bahay nila.

"Nasa kwarto nya. Puntahan mo nalang." nakangiting sabi nya tumango nalang ako. Papunta na ako sa kwarto nya ng "Ahm, Ken.." napalingon naman ako sa kanya "aalia kasi ako eh. Pwede bang dito ka muna para may makalaro si Beatrice?"

"Sige po." nakangiting sabi ko at umalis na sya.

"Princess?" tawag ko sa kanya habang kumakatod sa kwarto nya. Hindi nya binubuksan kaya pumasok na lang ako, hindi naman naka lock eh.

Natutulog pala sya eh. Nilapitan ko sya at umupo sa kama nya habang tinitingnan sya.

"Bernice.." bulong nya habang natutulog. "Beatrice.." pinagpapawisan sya pero naka aircon naman yung kwarto nya.

"Princess." ginigising ko sya pero hindi sya nagigising. Umiiyak na sya habang binabanggit yung dalawang pangalan. "Beatrice!" sigaw ko sa kanya kaya naman nagising sya.

"Ken!" bigla syang yumakap sakin nang magising sya. "Ken." pag-uulit nya.

"Tahan na Princess." sabi ko saka pinunasan yung mga luha nya. "Panaginip lang 'yun. Hindi totoo." sabi ko sa kanya. Ganun kasi sinasabi sakin ni Mommy kapag nananaginip ako ng masama. Hindi daw yun totoo.

"Ken totoo yun." sabi nya nagtaka naman ako. "May kakambal ako Ken at saka may isa pa akong kapatid."

"Kakambal? Diba si Bryle lang naman ang kapatid mo?"

"May kakambal ako Ken."

"Pero bakit di mo sya kasama? Nasaan sya?"

"Naiwan sya sa Pilipinas."

END OF FLASHBACK

"Siguro kailangan na muna nating lumayo sa kanya. Masyadong maraming nangyayari dito." sabi ko naman kay Andrei.

"Dude, kung ikaw na lang kaya ang umalis. Maiiwan nalang ako dito. Paano na si Princess kapag umalis tayo?" napangiti ako ng marinig yun kay Andrei. Mahal nya talaga si Princess.. pero hindi yung romantic way. Mahal nya na para bang kapatid ito.

"Sigura ka bang pinagpapalit mo ako kay Princess ha?" tanong ko sa kanya pero syempre biro ko lang yun. Niloloko ko lang.

"Kasi Ken, ano eh. Alam ko naman dude na hindi mo ako kayang mawala sayo pero si Princess kasi eh. Pano na kapag umiyak yun? Sino na magpapatahan sa kanya kapag umalis tayo. At saka kapag umalis tayo may maiiwan ako."

"Lul!" binato ko naman sya ng una. Sira talaga  to. "Sige, wag na tayong umalis. Gumayak ka may gagawin tayo."

"Hala Ken. Sinasabi ko na nga ba eh kung bakit mo ako sinasama. May gagawin kang masama sakin. Wag dude. Virgin pa ako." isa na lang talaga masasapak ko na 'tong bakla na 'to.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon