Chapter 8

36 4 0
                                    

Ken's POV

"Hailey wait." sigaw ko ng makita ko si Hailey pero mukang hindi nya ako narinig kaya sinundan ko nalang sya.

Nakita kong may kausap syang dalawang babae. Lalapitan ko na sana sya ng biglang may tumawag sakin.

"Oh Andrei. Bakit?"

[Pare nasan kaba? Tara na sa canteen, nagugutom na ako.]

"Mauna kana." sabi ko sa kanya tapos binabaan ko na sya. At lalapit na ulit kay Hailey.

"Ano girl, kelan mo planong gawin ang ating sweet revenge sa malanding Beatrice na yun?" sabi ng isa sa mga babae nyang kausap.

Nilapitan ko agad si Hailey at hinawakan ko ang braso nung babaeng nagsalita.

"Anong pinaplano nyong gawin kay Beatrice ha?!" sigaw ko sa kanya tapos hinigpitan ko pa angpagkakahawak ko sa braso nya ng masaktan sya.

"Ano ba?! Bitawan mo ako. Nasasaktan ako!" sigaw naman nung babae tapos tinulak naman ako ni Hailey.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Ken ha?!" sigaw din sakin ni Hailey.

"Ikaw Hailey ano din ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha? May plano kayong saktan si Beatrice? Hinding hindi ko hahayaang masaktan nyo sya!" sabi ko sa kanya tapos sinampal naman nya ako ng malakas kaya napaatras ako.

Umiiyak na sya. "Ang kapal ng muka mo Ken! Sa tingin mo ba talaga ha kaya kong gawin yun! Nakakainis ka Ken, nanahimik na nga ako eh. Bakit ba lagi mo nalang akong sinaksaktan." sabi nya tapos pinagpapalo ako.

"Tama na Hailey."

"Tama na? Ikaw Ken kaylan ka titigil na saktan ako ha? Please lang tama na din." sabi nya habang umiiyak pa din.

Ayoko syang makitang umiiyak. Sinabi ko dati na hindi ko sya hahayaang masaktan pero nasaktan ko sya. Naging mapalapit na din yung loob ko kay Hailey at natutunan ko din syang pahalagahan.

Aalis na sana sya ng hilahin ko sya. Di ko alam kung bakit ko naisip na halikan sya. Gusto ko lang naman na mabawasan ko ang sakit na nararamdaman nya. Nagresponse naman sya sa halik ko.

Hindi namin namalayan na madami na palang estudyante ang nanunuod samin. Bigla naman syang humiwalay sakin at tumakbo palayo. Sinundan naman sya nung dalawang babae na kausap nya.

"Dude." sabi sakin ni Andrei. Nandito din pala sya. "Tara na sa canteen." sabi ko tapos hinila na nya ako.

Pagdating namin si Canteen, umupo kami sa table namin. May sarili kasi kaming table dito. At naabutan namin si Ate Michelle.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon