Chapter 13

44 5 0
                                    

Ken's POV

Masaya ako dahil okay na ulit kami ni Beatrice at wala na yung awkward sa pagitan naming dalawa.

Tama lang talaga yung desisyon ko na paglayo sa kanya. Atleast ngayon narealize nya na mahal nya talaga si Harvey at ako naman ay para kay Hailey.

"Tara na sa McDo gutom na ako." sabi ng aming prinsesa. Namiss ko din syang itratong Prinsesa.

"Okay our Princess." sabay naming sabi ni Andrei kaya naman natawa sya at saka kami pumunta sa McDo.

"Anong order nyo?" tanong ni Andrei. Sya kasi lagi ang tiaga order kapag kumakain kami dito sa McDo. Favorite kasi naming kainan itong McDo.

"Isang large fries, Isang large Mcflurry, Burger at Sprite." order ni Princess. At yun na din ang inorder namin ni Andrei.

Habang umo-order si Andrei ay hinihintay lang namin sya. Magkatabi kami ni Princess. Inakbayan ko sya kaya naman napatingin sya sakin.

"Namiss kita." nakangiting sabi ko sa kanya. Pinatong naman nya yung ulo nya sa balikat ko.

"Namiss ko din ang favorite kong bestfriend." natatawang sabi nya..

"Madaya ka talaga Princess. Akala ko ba ang favorite mo?" sabi ni Andrei tapos nagpout. Di namin namalayan na andito na pala sya.

"Hahaha." tawa ni Princess saka umayos ng upo. Nakatingin lang kami kay Andrei na nagtatampo. "Ano kaba Drei ikaw talaga ang favorite ko niloloko ko lang si Ken." sabi nya sabay kindat kay Andrei.

"Talaga? Sabi mo yan ha?" sabi naman ni Andrei at tumango naman si Princess na tumingin sakin na nagpipigil ng tawa. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

Hindi din nagtagal at dumating yung order namin. Katulad ng dati ay una naming kinain ang burger. Actually si Andrei ang may favorite ng burger, tapos si Princess naman fries at ako naman ang may favorite ng McFlurry. Tapos pinagsama sama namin at yun na yung lagi naming inoorder.

Nung maubos na namin yung burger namin ay sunod namin yung fries. Nagulat ako ng isawsaw ni Princess yung fries sa Mcflurry.

"Bakit mo sinawsaw?" nagtatakang tanong ko sa kanya kaya pati si Andrei ay napatingin sa kanya.

Nginitian nya lang kami. "Bakit? Haha. Dati naman natin 'tong ginagawa ah? Sino na nga ulit nagsabi na ang fries ay bagay sa ice cream?" nakangising tanong nya. Napataas naman ang kilay ko kaya natawa sya.

"Si Ken. Hahaha." natatawang sabi ni Andrei. "Di nya kasi masabi na bagay kayo kaya yung favorite nyo na lang ang ibinagay nya."

Natigilan naman kami sa sinabi ni Andrei. >___< Kahit kelan talaga napakadaldal ng lalaking 'to. -___-

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon