Chapter 15

47 5 0
                                    

Hailey's POV

Tumakbo ako agad paalis sa rooftop pagkatapos piliin ni Ken si Beatrice. Akala ko sapat na yung mahal nya ako para mas piliin nya ako at paniwalaan. Pero hindi pala.

Pero katulad ng pinangako ko kay Antheza, hindi ako susuko kay Ken. Hindi lang nya alam ang katotohanan kaya si Beatrice ang pinili nya. Pero sigurado akong ako ang pipiliin nya kung alam nya ang katotohanan.

Gagawin ko ang lahat para malaman nya kung ano talaga yung totoong ugali ni Beatrice. Magaling umarte si Beatrice kaya dapat umarte din ako. Tingnan lang natin kung sino ang mas magaling umarte satin Beatrice.

****

Beatrice's POV

Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na ako kay Mommy at Kuya na sasabay ako kila Tita Rea mag dinner. Nauna na si Tita Rea para makapagpareserve ng table. Sila Ken daw ay nagsolo. -___- Ayaw sakin i-share si Tita Kendy. :3

Pagpasok namin ni Andrei sa restaurant ay nakasalubong namin si Antheza. Napangisi naman ako, umaayon talaga sakin ang tadhana. Mag-isa lang sya kaya nilapitan ko sya.

"Hi Antheza, mag-isa ka lang?" tanong ko sa kanya mukang nagulat naman sya. Pero tumango din sya. "Tamang tama, bakit hindi ka sumabay samin, diba Drei?"

"Oo nga. Tara sabay kana samin magdinner." sabi naman sa kanya ni Andrei, mukang nag aalangan pa sya pero sumama din naman sya.

Hinawakan ko naman sya braso para kunwari close kami. "Alam mo ba andito yung mommy ni Drei."

"Oo nga. Ipapakilala kita sa kanya. Sigurado akong matutuwa si Mommy kapag nakilala ka."

"Ha? Hindi ba parang nakakahiya."

"Ano kaba, wag ka ng mahiya no." sabi ko naman sa kanya at nginitian ko sya.

"Oh hija, sino yung kasama nyo?" tanong sakin ni Tita nang makita kami. Muka namang kinakabahan si Antheza.

"Ah, Tita friend po namin ni Drei, si Antheza. Antheza, mommy ni Drei si Tita Rea." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Good Evening po." magalang na bati ni Antheza.

"Good evening din hija, upo ka. Dito kana sa tabi ko kasi dyan si Andrei at Beatrice." sabi nya kaya naman tumabi si Antheza kay Tita. Muka namang masaya si Andrei.

Umorder kami at habang hinihintay yung order namin ay nagsalita si Tita.

"So, kaibigan mo pala sila hija. Bagay sila 'no?" nakangiting sabi ni Tita sabay turo samin dalawa ni Drei.

"Ma!" saway naman ni Drei. Bata palang kami lagi na kaming pinagpapares ni Drei kaya sanay na kaming dalawa ni Drei. Hinahayaan nalang namin sya. Ganun din naman kasi si Kendy samin dalawa ni Ken.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon