Ken's POV
Andito ako sa Bar ngayon. Kanina pa ako umiinom pero parang hindi ako tinatamaan.
"Please lang Ken, kung sasaktan mo lang ako nakikiusap ako sayo wag mo ng ituloy. Ayokong masama sa listahan ng mga babaeng napaiyak mo."
Dalawang linggo na simula nung nag-usap kami. At nung sinabi nya sakin yan. Pero paulit-ulit ko pa din naririnig yung salitang yan na sinabi nya.
Hindi ko na alam kung ano yung nararamdaman ko. Simula nung nag-usap kami kanina at nung sinabi nyang ayaw nyang masaktan at mapasama sa listahan ng mga babaeng napaiyak ko may part sakin na parang nagsasabi na kailangan ko syang protektahan at hindi ko dapat sya saktan.
Pero paano ko sya poprotektahan kung ako mismo yung mananakit sa kanya.
Kahit kelan hindi pa ako naguilty sa mga babaeng sinaktan ko...NGAYON LANG!
"Mukang ikaw ang nahuhulog sa sarili mo patibong ah?" sabi ni Andrei tapos umupo sa tabi ko at nag order din ng alak.
"Gago! Ikaw ang may kasalanan nito." paninisi ko sa kanya.
"Alam ko." seryosong sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, Bihira lang kasi magseryoso yan. "Di ko kasi naisip ang pwedeng mangyari eh." sabi nya tapos uminom ulit.
"Dude ano kaba, wag kang magseryoso kinikilabutan ako eh. Di ako sanay." natatawang sabi ko sa kanya.
"Pero Dude, pwede ka pa naman umatras ah? Wag mo na kayang ituloy, habang hindi pa nasasaktan si Hailey.. at habang hindi ka pa nasasaktan."
"Hindi pwede. Kaylangan kong gawin 'to para kay Princess. Alam mo naman kung gaano nya kagustong maging 1st Honor diba? At ayaw ko na rin na makitang umiiyak sya kapag nadi-dissapoint nya si Tito Loui." sabi ko sabay inom.
"Mahal mo talaga sya no?"
"Sobra."
Tama kayo ng basa. Mahal ko si Princess dati pa. Kaya lang kaibigan lang ako eh. At para kay Princess ang kaibigan, hanggang kaibigan lang.
No more, no less.
Bata palang kami magkaibigan na kami. Sa US kami lumaki. Kaming tatlo nila Andrei kaya kabisado na namin ang isa't isa. Magkakaibigan ang mga parents namin at the same time Business Partner. Si Bryle kasi sa Pilipinas na lumaki.
Bata palang kami nakita na namin kung paano mag effort si Princess para lang maging proud sa kanya si Tito Loui kaya ganun na lamang syang masktan kapag nakikita nyang balewala lang sa Daddy nya ang mga ginagawa nya.
At ang pinakamasakit pa dun ay hindi nya maabot ang expectation ni Tito Loui sa kanya. Kaya kapag umiiyak sya akong Bestfriend nya ang lagi nyang kasama at nagpapatahan sa kanya.
Nakuntento ako sa pagiging magkaibigan namin dalawa dahil alam kong bata pa kami at alam ko na ang dreams nya lang ang nasa isip nya.. Kaya kahit gustong gusto kong sabihin na mahal ko sya hindi ko ginawa.
Nung nag High School kami nagdesisyon si Princess na sa Pilipinas sya mag aaral. Pumayag naman ang parents nya kasi nandun naman ang Kuya nya na si Bryle.
Nung malaman ko yun, sinabi ko sa parents ko na sa Pilipinas ko din gustong mag aral. Pinayagan naman nila ako. Ganun si Andrei. Bumili lang kami ng tig-isang condo at dun kami nakatira.
Last year, aamin na sana ako ng feelings ko sa kanya kasi alam kong nasa tamang edad na kami. At proud na sa kanya si Tito Loui kasi mataas ang grades nya at 1st Honor pa sya lagi.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...