Francis' POV
"Guys ano ready naba yan?" tanong ko kila James.
"Francis pwede ba nakasampung beses mo ng itanong yan." sabi ni Angel sakin sabay irap.
Tss. Bakit ba ang hilig umirap ng babaeng 'to. Manang mana kay Hannah.
Pero mas maganda yung irap ng mahal ko. Yung kay Angel kasi nakakainis. Pero pag si Hannah yung gumagawa nun lalo akong naiinlove.
"Si Hannah yang iniisip mo no?" tanong ni Christian. "Alam mo pare imba ka mainlove. Nababakla." sabi nya kaya binatukan ko.
"Andyan na sya." sabi ni Mika habang papalapit samin.
Nagtataka ba kayo kung ano yung pinag-uusapan namin. Isusurprise ko kasi si Hannah.
Matagal ko na syang nililigawan. Sabi ni Hailey sakin gusto daw ni Hannah ng lalaking magaling kumanta kaya kakantahan ko sya.
*****
Hannah's POV
Bakit kaya walang estudyante na nagkalat ngayon kahit isa. Ganun naba ako kalate? Pero dati naman ganito lang yung pasok ko kahit late ako meron pa din estudyante na nagkalat. -____-
Biglang may isang lalaking nakita kong naglalakad. At nakatingin sakin.
"Ate para sa inyo po." sabi nya sabay abot sakin ng isang white rose.
"Sorry pero hindi ako nagpapaligaw." sabi ko tapos nilagpasan ko na sya.
"Pero hindi naman po ako manliligaw eh." sabi nya kaya napaharap ako sa kanya. "Basta tanggapin nyo nalang po." sabi nya tapos binigay sakin at tumakbo na.
Maya maya may lalaki na naman na may dalawang white rose na nagbigay sakin. Habang lumalakad ako. Tinatanggap ko lang kahit nagtataka ako.
"Wait lang, nasan ba yung mga estudyante dito?" tanong ko sa isang nagbigay sakin ng rose.
Nginitian lang nya ako at sinabing pumunta ako sa gym.
Pagpunta ako ng gym ay sinalubong ako ni Angel at ni Mika.
"Ano ba 'to?" tanong ko sa kanila. Di nila ako sinagot at sinabayan lang nila akong maglakad.
Lahat ng estudyante ay nandito sa gym pati ang mga teacher.
Pero napako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa stage ng gym. Si Francis at si James at Christian na may hawak na gitara.
Nagsimula na syang kumanta habang nakatingin lang sakin..
Stand by me, look towards me
Even though I don't know love yet
Stand by me, guard over me
Because I am still clumsy at love
My feelings get brighter as I look at you
I find myself randomly singing
I even want to buy a single rose
This side of myself is so new
As my heart becomes closer to you
The world becomes more beautiful
If you feel my nervousness
Will you wait just a little bit?
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...