Chapter Six

35 4 0
                                    

Ken's POV

Hinihintay ko si Hailey sa Parking Lot ng makita ko kung paano sya yumakap sa lalaking nakasandal sa may kotse nya. Hindi ko kilala yung lalaking yun, at alam kong hindi sya taga Irish University kasi hindi sya nakauniform.

At ang kinainis ko pa ay yung hinalikan ng gagong lalaking yun si Hailey sa may noo tapos nginitian pa sya ni Hailey.

Akala ko ako ang maghahatid sa kanya yun pala may naghihintay sa kanya.

Tapos tiningnan lang nya ako at hindi pinansin. >____<

Sino ba yung lalaking yun? Boyfriend ba nya yun? Pero bakit hindi nya sinabi sakin na may boyfriend sya.

Urgh!

Sinunandan ko yung kotse. At nakita kong hinatid sya sa bahay nila. Pagkaalis ng kotse ay bumaba ako sa kotse ko.

"Ken? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin.

"Sino yung lalaking yun Hailey?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka na dun." sabi nya tapos tumalikod na sya pero hinawakan ko yung braso nya. "Ano ba? Bitawan mo nga ako Ken!" galit na sabi nya sakin.

Binitawan ko sya. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya. Okay naman kami kanina tapos biglang ganito.

"Boyfriend mo ba yun ha?" inis na tanong ko sa kanya. Pero ngumiti lang sya.

"Ang sarap sanang isipin na nagseselos ka eh. Ang sarap isipin na naaapektuhan ka. Pero ang s-sakit lang na alam kong h-hindi." malungkot na sabi nya at saka tumingin sa mga mata ko.

"Ano bang sinasabi mo ha Hailey?" nagtatakang tanong ko sa kanya tapos nilapitan ko sya.

"Alam ko na lahat Ken." nanghihinang sabi nya tapos nagsimula ng tumulo yung luha nya.

"Hailey.." tawag ko sa kanya tapos pupunasan ko sana yung luha nya.

"Wag Ken. Itigil mo na yung pag arte mo na may pakialam ka sakin."

Eto na ba yun? Alam kong darating din yung time na malalaman nya yung lahat.. Napaghandaan ko naman pero bakit parang nablangko yung isip ko.

Napaupo lang sya. Umiiyak sya sa harap ko at wala man lang akong magawa para patahanin sya.

Nasasaktan sya pero hindi ko alam kung paano alisin yung sakit na nararamdaman nya.

Nasasaktan ako na nasasaktan sya. Paksyet lang!

"Ken.." sabi nya habang nakayuko. "Sabihin mo naman sakin na hindi totoo yun oh! Sabihin mo naman sakin na hindi mo magagawa sakin 'to. Sabihin mo naman na hindi mo ako pinaglaruan. Sabihin mo please." sabi nya tapos hinawakan yung kamay ko.

Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko na sobra syang nasasaktan. Bawat salita nya. Gusto kong sabihin na hindi totoo yun.. na hindi ko magagawa na saktan sya pero wala eh. Nagawa ko na ang saktan sya.

"Mahal kita Ken." halos pabulong na sabi nya tapos yinakap ako.

Yung mga salitang yun ang mas nagpahirap sakin.

Sinaktan ko yung taong nagmamahal sakin. Ang gago ko.

"Hailey.." sabi ko tapos bumitaw sa pagkakayakap nya. Hinawakan ko yung dalawang kamay nya. "Hailey, sorry." sabi ko.

"Hindi mo man lang ba ide-deny yung sinabi nila? Ken please naman ideny mo naman oh. Promise mas maniniwala ako sayo. Ganun kita kamahal Ken." sabi nya habang umiiyak.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon