Hailey's POV
"Hailey!" paglingon ka sa tumawag sakin ay si Beatrice pala. Ano na naman kayang kailangan nito. Hindi ko langbsya pinansin at naglakad ulit ako.
"Ano ba?!" galit na tanong ko sa kanya nung hinila nya yung braso ko. "Ano bang problema mo?"
"Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko Hailey. Hindi ka talaga titigil no? Layuan mo na si Ken."
"Sino kaba sa tingin mo ha?!" sigaw ko sa kanya. "Anong karapatan mong pagsabihan ako na layuan si Ken? Bakit kapatid ba kita?" hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko pero napatigil sya nung napasabi ko yon.
Nagulat naman ako ng sampali nya ako. "Para magising ka. Wag kang ambisyosa Hailey. Hindi kayo bagay ni Ken!"
Aalis na sana sya ng hilain ko ang buhok nya at saka ko sya tinulak.
"Hailey!" nabigla ako nang biglang dumating si Ken. Lumapit sya kay Beatrice at tinulungan ito. "Bakit mo ginawa yun ha?!" galit na sigaw sya. Nakakatakot syang tingnan. Ibang iba sa Ken na kilala ko na sweet at laging kalmado.
"K-ken. Sya yung nauna. Pinapalayo nya kasi ako sayo." hindi ko na napigilan yung mga luha ko.
"Ayan ka na naman Hailey eh! Napag-usapan na natin to diba? Bakit ba palagi mong sinasabi yan ha?"
"Eh kasi totoo naman. Ano ha kakampihan mo na naman sya?! Sya ang masama dito Ken hindi ako!"
"Tama na. Pagod na ako sayo Hailey! Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to. Sinabi ko naman na sayo diba? Ikaw ang mahal ko. Hindi paba sapat yun. Nakikipagkaibigan na din sayo si Hilary pero bakit mo 'to ginagawa?" alam kong nasasaktan na din si Ken.
"Ken ayoko na! Pinilit kong makipagkaibigan sayo Hailey pero bakit mo ginagawa sakin 'to Haile?" pag aarte ni Beatrice. Sh*t bakt ba ang galing nyang umarte. >__< "Ken tara na."
"Wait.." sabi ni Ken at saka lumapit sakin. "Hailey please itigil mo na 'to." pagmamakaawa ni Ken.
"Ken ano ba?! Tara na. Hayaan mo na yang babaeng yan!" sigaw ni Beatrice sa kanya. Tiningnan ko lang si Ken.
"Ken sakin ka sumama. Tara?" tanong ko sa kanya tapos nilahad ko yung kamay ko sa kanya.
"Ken! Mamili ka. Kapag sumama ka sa kanya kalimutan mo ng magkaibigan tayo!" banta sa kanya ni Beatrice. Nakita ko naman syang napapikit at napahawak sa noo.
"Ken?" sabi ko sa kanya. Sana ako ang piliin mo Ken.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...