Chapter Seven

43 5 0
                                    

Harvey's' POV

Maaga akong nagising. Saturday ngayon at mahimbing pa ang tulog ni Beatrice sa tabi ko.

Naalala ko kagabi nung umiiyak sya. Ayokong nakikita syang umiiyak kasi nasasaktan ako. Sabi nya may nagawa daw syang kasalanan at hindi ko alam kung ano yun.

Pero alam ko kung sino ang makakapagsabi sakin kung ano yung kasalanan nyang yun. Si Ken at Andrei. Alam ko na bata palang sila ay magkakaibigan na sila kaya pinagkakatiwalaan silang dalawa ni Beatrice sa lahat ng bagay.

Bumangon ako tapos pumunta sa kwarto ni Bryle. Naligo tapos gumayak. May damit naman kasi ako dito kasi lagi akong natutulog dito at bata palang ay magbestfriend na kami ni Bryle.

Nagpahanda muna ako ng breakfast para kay Beatrice at saka umalis.

"Oh Harvey pare. Bakit ang aga aga nandito ka?" tanong sakin ni Andrei pagbukas ng condo unit nya.

"May itatanong lang kasi ako." sabi ko sa kanya tapos pumasok at umupo sa may sofa.

"Ano?"

"Kagabi kasi si Beatrice umiiyak at may sinabi sya sakin na may nagawa daw syang kasalanan. Ano yun?"

"Ha? Ah.. Eh? D-di ko a-alam eh." nauutal na sabi nya kaya napangisi ako.

"Wag mo akong lokohin Andrei alam kong alam mo yun. Sabihin mo sakin. Ayaw mo naman siguro na pilitin pa kita diba?" pananakot ko sa kanya.

"Oo na. Naiistress kasi si Beatrice dahil sa Ranking ng honor. Alam mo naman kung gaano nya kagustong maging 1st honor diba? Dahil madi-dissapoint na naman sa kanya si Tito kapag naging 2nd honor sya. Kaya nag suggest ako."

"Sigurado akong palpak na naman yung suggestion mo. Tama ba?"

"Oo palpak nga. Di ko naman alam na may masasaktan."

"Ano ba kasi yung sinuggest mo?"

"Sinuggest ko lang naman na kapag napaibig ni Ken si Hailey baka mawala yung focus nya sa pag aaral tapos magiging 1st honor na si Beatrice, di naman namin alam na malalaman ni Hailey yun."

"Eh gago ka pala eh. Alam mo namang walang sikretong hindi nabubunyag diba? At saka bakit hindi nyo sinabi samin yun?"

"Ayaw kasi ni Beatrice kasi alam nyang hindi kayo papayag at baka magalit lang kayo."

"Sige alis na ako. Pupuntahan ko pa sya." pagpapaalam ko.

Nagdrive ulit ako papunta kila Beatrice. At nakita kong kumakain na sila ni Bryle.

"Oh pare, san ka ba nagpunta? Kain kana." tanong ni Bryle sakin.

"Kila Andrei lang. May tinanong lang ako." sabi ko tapos napatingin sakin si Beatrice. Umupo lang ako sa harap nya.

Alam nyang alam ko na ang kasalanan nya kaya napayuko sya. Kumain nalang din ako.

"Pare, ikaw muna bahala dito kay Beatrice ha? May date pa kasi kami ni Mich eh." sabi ni Bryle tapos tumayo na at tinapik ako sa may balikat.

Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa may living room at nanuod ng TV.

"Alam mo na?" tanong nya sakin.

"Alin? Yung ginawa nyo kay Hailey?"

"Sorry."

Nilapitan ko naman sya at inakbayan. "Baby hindi ka dapat sakin magsorry, dapat kay Hailey."

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon