Chapter 1: Their Lives
Beatrice's POV
"Good Morning My Princess." bati sakin ni Daddy. At binaba ang binabasang newspaper.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa cheeks. "Good Morning Dad."
Lumapit din ako kay Mommy at hinalikan sya sa cheeks. "Good Morning Mom." sabi ko habang nakangiti.
"Wala din ba akong kiss?" sabi ng pilyo kong Kuya.
Ngumiti ako ng matamis. "Of course meron." lumapit ako sa kanya at hinalikan din sya sa cheeks. My sweet brother.
"Beatrice Business Ad din ang kunin mong course kapag nagkolehiyo ka katulad ng Kuya mo." ma-awtoridad na sabi ni Daddy sakin.
"Pero Dad, wala akong hilig sa Business." pagprotesta ko.
"At ano ang gusto mo? Ang magsayaw? Matagal ko ng sinabi sayo na itigil mo na ang pagsayaw Beatrice, wala kang mapapala dyan!" galit na sabi ni Daddy.
"Tama ang Daddy mo Beatrice. Besides, makatutulong yan sa inyo dahil kayo ang tgapagmana ng Gonzales Corporation." pag sang ayon naman ni Mommy.
Napatingin naman ako kay Kuya na nanghihingi ng tulong.
"Ahm.. Dad, hayaan nyo nalang si Beatrice sa gusto nya at ako na ang bahalang magpatakbo ng company." sabi ni Kuya kila Daddy.
"Mas mabuti ng may alam din si Beatrice para may katulong ka sa pagma-manage."
"Pero Dad, si Kuya naman na mismo nagsabi na kaya nya nang imanage ang business ng mag-isa."
"Hindi ganun kadali ang magpatakbo ng Kumpanya Beatrice. Hindi ito ganun kadali katulad ng iniisip nyo."
Wala akong magawa kundi ang sundin nalang ang utos nila.
"Okay Dad." sabi ko tapos yumuko.
Tahimik nalang kaming kumain.
Btw, I'm Beatrice Gonzales. 3rd year high school. 15 years old. Anak ng dalawang pinakamagaling na Business Man at Business Woman sa buong mundo. At isa akong sunod sunuran na anak. Wala akong magawa kundi ang sundin sila.
Pagkatapos namin kumain ay pumasok na kami sa school ni Kuya. Sya ang nagdrive dahil marunong naman sya. 4th year high school naman sya.
Pagkadating naman namin sa school ay sinalubong kami ng mga kaibigan namin.
"Hey Dude." bati ni Andrei kay Kuya. "Hello Princess." bati naman nya sakin. Ngumiti lang ako.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Novela JuvenilFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...