Andrei's POV
"Nakakainis ka!" sabi ni Hilary habang pinapalo ako. "Bakit hindi mo man lang sinabi sakin. Edi sana kahit babae ako ako na ang unang nagtapat sa kanya." sabi nya tapos bigla syang napahinto at napahawak sa bibig nya.
"Anong sabi mo Hilary?" tanong ko sa kanya kasi baka namali lang ako ng rinig.
"W-wala." sabi nya tapos tumingin ulit sa dagat.
"Hilary." sabi ko sa seryosong tono.
"Oo na. Tama ka ng rinig. Mahal ko si Ken." sabi nya tapos tumingin sakin. Nakatingin lang din ako sa kanya. At saka umiwas sya ng tingin. "..dati."
Mahal nya si Ken? Dati? Napatingin nalang din ako sa dagat. At hindi nagsalita ganun din sya. Naisip ko yung sinabi nya.
Masyado talagang mapagbiro ang tadhana. Mahal na pala nila yung isa't isa pero parehas silang walang kaalam alam.
"Akala ko hanggang kaibigan lang talaga ang turing nya sakin noon. Di naman ako manhid eh, nararamdaman ko naman na mahal nya ako. Mahirap naman mag assume diba? Kasi baka mali lang ako. Kaya hinihintay ko lang sya na sabihin na mahal nya ako. Andrei naghintay naman ako eh, pero ipinamuka nya sakin na wala talaga. Araw araw iba't ibang babae ang kalandian nya." pagkukwento nya at sa paraan palang nagkukwento nya ramdam ko na nasasaktan sya.
Ano ba yan, lagi nalang akong palpak. Palpak ako na protektahan sya. Sabi nila ako daw knight and shinning armor nya. Pero all this time pala nasasaktan sya ng hindi ko man lang alam. Pero ngayong alam ko na nasasaktan sya hindi ko naman alam kung paano sya paprotektahan sa sakit na nararamdaman nya.
Wala akong gusto sa kanya ha? Ewan ko ba peroisang araw, nagising nalang ako na ang nasa isip ko lang ay ang protektahan sya. Kaya nga walang umaaway sa kanya eh kasi lagi ko syang protektado.
Tinawag nga nya akong Knight and Shinning Armor nya eh kasi lagi ko daw syang pinoprotektahan. Hanggang ngayong binata at dalaga na kami pinoprotektahan ko pa din sya.
Siguro magiging ganun din kayo sa kanya kapag nakilala nyo sya. Sya kasi yung taong masaya sa harap ng mga tao. Pero kapag mag isa nalang sya saka mo makikita kung paano sya nalulungkot at nangungulila. Kaya hindi nyo kami masisisi kung bakit ganito nalang kami kung itrato sya. Itrato sya na isang Prinsesa.
"Andrei bakit hindi nya sakin sinabi na mahal pala nya ko?" tanong nya sakin habang nakagingin pa din sa dagat.
"Mas mabuti siguro kung sa kanya mo itanong nya diba?"
"Andrei hindi ko na kayang itanong pa yan sa kanya."
"Sige sasabihin ko sayo. Kasi alam nya yung priority mo. Alam nyang wala kang oras para sa pagmamahal na yun at masyado pa din kayong bata nung mga panahong yun. Elementary palang kaya kayo nun." pagkukwento ko sa kanya.
"Eh bakit nung nag high school tayo. Bakit hindi pa din nya sinabi?"
"Aamin na sana sya sayo last year kaya lang huli na sya."
"Huli na? Pero hindi pa naman kami nun ni Harvey ng mangbabae sya!" inis na sabi nya. Natawa naman ako.
"Bakit nagseselos kaba?" pang-aasar ko naman sa kanya. Hinampas nya lang ako kaya lalo akong matawa.
"Sinabi pa nya sakin na masaya sya para sakin" sabi pa nya.
"Kasi sinabi mo na ang saya mo kapag kasama mo si Harvey."
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...