Chapter 12

44 4 0
                                    

Beatrice's POV

Maaga akong gumising para mag-ayos. Napag-isipan ko yung sinabi kagabi ni Mommy. Dapat protektahan ko kung ano yung akin at hindi ko dapat ito hayaang makuha ng iba.

At sisiguraduhin ko ngayon na mababawi ko kung ano yung akin. Hailey and Antheza maghintay lang kayo. Simula nung dumating kayo sa buhay namin ay nahiwalay na samin si Ken at pati ngayon ay si Andrei.

Hindi ako papayag na makuha nyo sila. Babawain ko lang ang akin. Kasi dahil sa inyo lumalayo na sila. >___<

Kailangan na din siguro nilang makita ang totoong ako. Nakakasawa na din kasing mabait at hindi lumalaban. Pumapayag akong apihin ng iba at hindi ko inilalabas ang pagiing bitch ko pero ngayon hindi ko na dapat itago iyon.

Iniisip nila na selfish, madama at malandi ako, edi ipapakita ko nandin sa kanila kung paano maging selfish ang isang Beatrice Hilary Gonzales. Ipapakita ko sa kanila kung gaano ako kasama. At humanda silang makita ang isang malanding Beatrice.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at nadatnan kong kumakain si Mommy at Kuya. Bumati ako sa kanila ng Good Morning at saka umupo.

"Kuya wag mo na akong ihatid, magpapasundo nalang ako kay Andrei." sabi ko kay Kuya habang kumakain kami. Tumango naman sya.

Pagkatapos namin kumain ay tinawagan ko si Andrei para sunduin ako. At syempre pumayag sya. Hindi naman ako mahihindian nun eh.

Pagkadating namin sa school ay nakita ko si Hailey at Antheza na nakatingin samin. Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis at saka kumapit sa braso ni Andrei. Nakita ko naman ang pagkabusangot ng muka ni Antheza. Hmp.

"Uhm.. Drei pwede ba na sabay tayong mag lunch?" malanding tanong ko sa kanya.

"Ha? Bakit naman? Wala kabang kasabay? Nasan si Harvey?" sunod sunod na tanong nya. Sigurado naman akong ayaw nya kasi laging yung Antheza na yun ang kasabay nya. >___<

"Masama bang mamiss ang bestfriend ko? Ang tagal na din kaya nating hindi nagkakasama. Lagi nalang sila yung kasabay mo." sabi ko sabay cross arm tapos nagpout.

Ginulo naman nya yung buhok ko. "Sige na nga my Princess." sabi nya tapos umakbay sakin.

Ngumiti naman ako saka ko nilagay yung isa kong kamay sa likod nya at saka naglakad at nadaanan pa namin sila ni Antheza at Hailey. Nginitian ko lang sila. Umirap naman sila.

Nakakainis pa dahil magkatabi si Andrei at si Antheza kasi nga lumipat si Antheza sa pwesto ni Ken eh ayaw ko naman katabi yun noh kaya si Andrei ang nasa gitna namin.

Pero ngayon napangiti na naman ako sa naisip ko. Dun ako sa gitna umupo kaya himdi sila magkatabi. Nakabusangot naman na umupo sa tabi ko si Antheza. Hahaha.

"Bakit dyan ka naupo?" takang tanong sakin ni Andrei. Alam nya kasing ayaw kong makatabi si Antheza.

"Gusto ko lang makatabi si Antheza." sabi ko sabay ngiti at muka namang nakumbinsi ko sya kaya nginitian nalang din nya ako.

"Mabuti naman kung ganon, sana maging magkaibigan din kayo." sabi pa nya.

"Oo naman. Alam ko namang kaibigan mo sya eh." sabi ko sa kanya saka humarap ako kay Antheza "Sana maging friends din tayo." sabi ko sa kanya ngumiti naman sya na halatang peke.

Dumating ang teacher namin at nagdiscuss lang pagkatapos ay nagbell na para sa recess. Agad din naman akong lumabas dahil may pupuntahan ako.

"Ate Mich!" tawag ko kay Ate Michelle ng makita ko silang tatlo nila Harvey papuntang canteen.

"Baby." nakangiti si Harvey na sinalubong ako. Yinakap ko naman sya.

Naisip ko naman na hindi ko din pala kayang makipagbreak kay Harvey kasi mahal ko sya. At kapag nakipagbreak ako sa kanya sya naman ang mawawala sakin at ayokong mangyari yun. Walang mawawala sa'kin kahit sino man sa kanila.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon