Michelle's POV
"Ayusin mo ang sarili mo Beatrice. Hindi ka namin pinrotektahan para lang masaktan sa sarili mong katangahan." sabi ko kay Beatrice at tuluyan ng bumaba ng rooftop ng school.
Pumunta ako sa parking lot ng school at umalis na. Pumunta ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Pumasok ako at nakita ko ang mga batang masayang naglalaro.
Umupo ako at saka sila pinagmasdan. Nakakatuwa dahil ang saya saya nila. Walang pinoproblema at walang ibang iniisip.
"Michie?" napalingon ako sa likod ko kung saan ko narinig ang boses. Napangiti ako ng makita ko sya. Ilang taon ko na din hindi naririnig ang pangalang 'yon.
"Sister.." nakangiting sabi ko at saka tumayo at yinakap sya. "Namiss kita Sister.."
"Namiss din kita hija. Nakakatuwa dahil pagkatapos ng ilang taon ay naisipan nyo ulit and dumalaw dito." masayang sabi nya pagkatapos naming maupo.
"Nyo?" hindi ko maiwasan na itanong yun.
"Oo. Kahapon nandito si Hance. At katulad mo mukang malungkot din sya. Ano bang nangyayari sa inyong mga bata kayo at ngayon lang ulit kayo pumunta dito pagkatapos ng ilang taon?" tanong nya kaya naman napaiwas ako ng tingin at tumingin sa mga bata.
"Sino naman po ang gugustuhing pumunta sa lugar kung saan nagsimula ang lahat ng paghihirap namin.." sagot ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Sampung taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon masakit pa din. Nagtataka siguro kayo kung ano yun no? Kahit gusto kong sabihin sa inyo hindi pa ito ang tamang panahon.
Yinakap lang ako ni Sister dahil alam nya ang pinagdaanan naming LAHAT dito sa lugar na ito.
"Sigurado akong magkakasama-sama din kayong lahat hija. Alam kong matibay ang pagkakaibigan nyo at pagmamahal nyo sa isa't isa dahil nakita ko iyon. At alam kong hindi hahayaan ng Diyos na tuluyang masira ang lahat ng pinagsamahan nyo. May dahilan ang lahat ng nangyayari hija. Magtiwala ka lang sa Kanya alam kong may mas maganda Syang plano para sa inyong lahat." nakangiting sabi ni Sister kaya naman napangiti nalang din ako. Sana nga.
Pagkatapos nun ay umalis na din agad ako at pumunta sa bahay nya..
Pinapasok naman ako nung guard sa bahay nila at binati naman ako ng mga maid nila.
"Michelle." mukang hindi nya inaasahan ang pagdating ko.
"Hance." tawag ko sa kanya na ikinagulat nya. Alam kong magugulat sya ng tawagin ko ang pangalan nya.
Umupo ako sa sofa. "Pumunta ka din pala doon." sabi ko sa kanya na papalapit sakin. Umupo din naman sya sa kaharap ko.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
JugendliteraturFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...