Chapter 18

18 1 0
                                    

Bryle's POV

"Kuya!"  sigaw nya at biglang yumakap sakin. Napangiti naman ako. Mabuti naman at naalala na nya ako.

"Beatrice.." bumitaw na ako sa pagyayakap nya dahil may mahala akong sasabihin sa kanila.

(A/N: Siguro nalilito na kayo kay Beatrice, Hilary, Hannah. Ganito po yan parehas silang may Beatrice. Beatrice Hilary at Beatrice Hannah. Ang pangalan nila. Nung bata pa sila Beatrice ang pangalan na ginagamit ni Hannah, at Hilary naman ang pangalang gamit ni Beatrice. Gets nyo? Bakit Beatrice na ang ginagamit na pangalan ni Hilary ngayon? Malalaman nyo din yan sa next chapter. Pinaliwanag ko lang kasi baka nalilito na kayo.)

"Hannah, Kuya. Matagal ko nang hindi ginagamit ang pangalang Beatrice." paliwanag nya tumango na lang ako.

"Naaalala mo naba ang lahat?" tanong ko sa kanya. Umiling naman sya.

Hinila naman sya ni Hailey. "Tara ate, libutin natin yung buong orphanage baka maalala mo na ang lahat."

"Hailey wag na. Wala na tayong oras." nagtataka naman silang tumingin sakin. "Kailangan mo munang magpanggap na ikaw si Hilary."

"Ha? Bakit?" sabay na tanong nila.

*Flashback*

Kagigising ko lang at palabas na ako ng room ko ng makita kong papasok si Mommy sa room ni Beatrice kaya naman sinundan ko sya .

"Mom, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. At nakita kong nag-iimpake sya.

"Yung kapatid mo kase, sabi nya ipag-impake ko daw sya ng mga damit dahil sasama na daw sila ni Ken kay Andrea pabalik sa US." nakangiting sabi nya.

"Pero bakit sya pupunta sa US? Bakit sya sasama kay Ken? Iiwan nya dito si Harvey sa Pilipinas?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi ko alam Bryle. Basta ang sinabi nya lang ay ipag impake ko sya ng mga damit."

Agad akong bumalik sa kwarto ko at nagbihis. Mabilis kong pinaandar yung kotse ko at pumunta sa bahay nila Harvey.

"Good Afternoon Sir Bryle." bati nung katulong nila. Napatingin naman ako sa relo ko. Ala una na pala.

"Nasan si Harvey?" tanong ko sa kanya at tinuro naman nya kaya agad akong nagpunta sa kwarto nya.

Hindi na ako kumatok at pumasok nalang agad ako. Nakita ko naman syang nakatayo sa may veranda ng kwarto nya. "Harvey." tawag ko sa kanya.

"Iniwan na nya ako Bryle." sabi nya tapos ininom yung alak na nasa baso nya.

"Mahal ka ni Beatrice, Pare. Alam mo naman yun diba?"

"Kung mahal nya ako hindi nya ako iiwan."

"Alam mo naman kung gaano kahalaga kay Beatrice si Ken diba? Si Ken ang naging sandalan nya nung nasa US sya. Si Ken yung nandun para sa kanya. Pare, intindihin mo naman yung kapatid ko." sabi ko sa kanya.

"Naiintindihan ko naman yun eh. Pero pare iba na eh. Nakita ko silang naghahalikan." sabi nya at uminom ulit. "At nalaman kong pupunta sila ng US."

"Hindi sya sasama kay Ken, Pare. Sinisigurado ko sayo yan. Basta makipagbalikan ka lang ulit sa kanya. Alam ko namang hindi nya gusto ang desisyon nya. Kakausapin ko sya Pare." sabi ko sa kanya at umalis na.

HE is My FOREVER ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon