Hailey's POV
"Ate Hannah!" agad akong lumabas ng sasakyan ni Bryle ng makita kong nakalabas na ng bahay si Ate Hannah nila Harvey. "Okay ka lang ba? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya nang makita kong namumutla sya at namumula ang mga mata nya.
Inalalayan ko sya papasok sa kotse at ramdam kong nanghihina sya. "Hailey." mahina nyang tawag sakin. "Si Harvey, Hailey. Sya si Hance." mahina nyang sabi at unti unting tumulo yung mga luha nya.
"Naaalala mo na si Harvey, Hannah?" tanong ni Bryle kay Ate Hannah.
"Oo. Kuya a-ayoko ng b-bumalik dun." nauutal nyang sabi na para bang natatakot bumalik sa bahay nila Harvey. Ano kayang nangyari.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
***
Hannah's POV
"Bakit?" tanong ni Hailey sakin.
Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing malapit ako kay Harvey naaalala ko lahat. At lahat ng naaalala ko ay parang hindi ko gustong alalahanin dahil nasasaktan ako. Pakiramdam ko di ko kakayanin ang mga bagay na dapat kong maalala. Hindi matanggap ng sistema ko.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila iyon. Kaya inaya ko nalang silang umuwi at hinatid naman kami ni Kuya Bryle.
"Susunduin ko kayo bukas." sabi ni Kiya Bryle bago kami lumabas ng sasakyan nya. Tumango naman kami ni Hailey at nagpaalam na sa kanya.
"Oh, kumain naba kayo?" tanong samin ni Mama. Tumango lang si Hailey at pumasok na sa kwarto nya. Ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin kay Mama. "May problema ba Hannah?"
8 years ago.
Third Person's POV
"Maghiwalay na tayo Sophia. Aalis na ako at isasama ko si Beatrice." galit na sabi ni Loui kay Sophia. May natanggao kasi syang mga picture ni Sophia na may kahalikang ibang lalaki.
"Loui maniwala ka sakin, wala akong ginagawang masama. Hindi totoo yung mga picture na nakita mo." umiiyak na sabi ni Sophia.
"Mommy, Daddy bakit kayo nag-aaway?" umiiyak na sabi ni Hilary sa magulang. Umiiyak na din si Beatrice.
"Beatrice, halika na sasama ka sakin. Aalis na tayo." madiin na sabi ni Loui. Umiling naman si Beatrice habang umiiyak.
"Si Hilary nalang, Loui. Si Hilary nalang ang kunin mo." nagmamakaawang sabi ni Sophia. Si Hilary kasi ay may sakit kaya mas gusto nyang si Hilary ang makuha ni Loui dahil alam nyang mapapagamot nito ang anak dahil mayaman sila hindi katulad nya na naghihirap.
Lalong napaiyak si Hilary sa narinig nya. Iniisip nya kung bakit sya gustong ibigay ng Mommy nya sa Daddy nya. Nakaramdam sya ng galit dito at inisip nyang hindi sya mahal nito kaya sa halip na si Beatrice ang kunin ng Daddy nya ay mas pinili sya ng Mommy nya na ibigay dito.. mas pinili sya na malayo sa Mommy nya. Nasasaktan sya.
"M-mommy.. D-daddy." inaantok na sabi ni Bernice na kagigising lang.
"Anak." sigaw ni Sophia at saka nilapitan si Bernice at kinarga.
Samantalang kinuha naman ni Hilary ang bracelet ni Beatrice at saka pinagpalit ang bracelet nila. Magkamukang magkamuka kasi Beatrice at Hilary. Wala silang pagkakaiba kaya mahirap malaman kung sino si Beatrice o Hilary sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...