Hilary's Past
Hailey's POV
Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko man lang naisip na ganito pala ang pinagdadaanan ni Mama.
"Kaya anak sana maintindihan nyo ako kung bakit mas pinili kong ilayo kayo at kalimutan ang nakaraan. Dahil kahit ako sobrang nasasaktan kapag naaalala ko iyon."
"Sorry Mama, nagalit ako sa inyo. Hindi ko alam na ginawa mo lang yun para samin. Sorry." umiiyak na sabi ni Ate Hannah.
"Naiintindihan kita Anak."
"Ipinapangako ko Mama, magbabayad ang lahat ng gumawa satin nito." galit na sabi ni Ate.
"Wag na Anak. Kahit kelan hindi naging magandang solusyon ang paghihiganti sa taong gumawa sayo ng masama. Tanggapin nalang natin. Ang lahat nang nangyayari ay may dahilan. May plano ang Panginoon." napangiti ako sa sinabi ni Mama. Napakabuti nyang tao. Hindi ko alam kung bakit hindi namin namana iyon. Hindi ko naman sinabi na masama kami pero hindi lang kami kasing buti nya.
Tumango nalang kami ni Ate Hannah sa sinabi ni Mama at nagpaalam sa kanya. Sinabi nalang namin na may kaylangan lang kaming pupuntahan at pumayag naman sya.
Bata palang ako hinahangaan ko na si Mama. Pinalaki nya kami ni Ate Hannah ng mag-isa. Itinaguyod nya kami ng hindi humihingi ng tulong sa iba. Nagsikap sya para mapag-aral kami at maibigay ang lahat ng pangangailangan namin. Mas lalo pang tumaas ang pagtingin ko sa kanya ngayon pagkatapos nang lahat ng nalaman ko.
Pumunta kami sa isang coffee shop at doon nakipagkita kay Bryle. Hindi lang talaga ako sanay na tawagin syang Kuya kasi hanggang ngayon bitter pa din ako sa kanila.
*Flashback*
Unang araw ko sa school sa IU nang magtransfer ako. Umaga at bigla nalang nagkumpol- kumpol ang mga estudyante at napuno ng tilian ang buong school. Nacurious ako kung ano yun kaya nakisingit ako sa kanila at doon ko sya nakita.
Ang babaeng kamukang kamuka ni Ate Hannah. Bata palang kami mahirap nang i-identify kung sino sa kanila si Ate Hannah at Ate Hilary. Pero para sakin alam ko kung sino sila. Agad tumulo ang mga luha ko nang makita ko sya. Miss na miss ko na sya.
Pero nangibabaw yung galit ko sa kanya. Iniwan nya kami. Iniwan nya ako. At ngayon masaya sya. Bigla syang napatingin sa pwesto ko, nakatingin lang ako sa kanya. Akala ko lalapitan nya ako at yayakapin pero nagkamali ako. Hindi nya ako pinansin. Ngumiti lang sya. Nginitian nya lang ako na para bang isa sa mga fans nya.
Lalo akong nasaktan. Masaya sya samantalang kami naghihirap at hanggang ngayon di makawala sa nakaraan. Nakita ko din si Vince, Hance at Mitchie sa harap nya. Tapos may dalawang lalaki namang ang pinagigitnaan sya paglalakad na para bang pinoprotektahan sya sa lahat. Nainggit ako sa kanya. Nabubuhay syang parang isang Prinsesa.
Agad akong umalis sa lugar na iyon. Tamang tama naman na nagbell. At pagpunta ko sa room ay nalaman kong classmate ko sya. Napangiti nalang ako ng mapait ng malaman ko iyon. At nang sabihin ng teacher namin na transfer ako at Gonzales din ang surname ko, nakita kong binalewala lang nya iyon. At habang dumadaan ang mga araw pinapakitunguhan nya ako na para bang hindi nya talaga ako kilala.
Kaya dun ko naisip na talunin sya sa lahat para naman mapansin nya ako. At baka sakali na kapag napansin nya ako malaman nya na nandito yung kapatid nyang iniwan. Pero wala! Hindi ko alam kung gaano sya kagaling umarte para umarte na parang di nya ako kilala.
Hanggang sa narinig ko na hindi na pala talaga naaalala ni Hilary ang lahat. Bakit ang dali dali para sa kanya na kalimutan lang iyon. Samantalang ako gustong gusto kong kalimutang ang mapait na nakaraan pero hindi ko magawa.
BINABASA MO ANG
HE is My FOREVER ∞
Teen FictionFOREVER?? Yun yung salitang masarap pakinggan pero nakakatangang paniwalaan.. Lahat naman tayo gusto natin ng FOREVER. Sino bang hindi?? Ang sarap kayang isipin na FOREVER na kayo ng taong mahal mo. Yung hindi na magkakahiwalay pa. Yung tipong alam...