Chloe's POV
Hays... bakit ba kasi si Dave pa ang minahal ni besh? Alam naman namin na playboy yang Dave na yan eh pero nagbago kasi sya nung nanligaw sya kay besh. Nung una ayaw namin sa kanya para kay besh pero dun masaya si besh eh kaya pumayag kami. Almost 8 months nanligaw si Dave.
Oh well... tama na muna ang kadramahan.
Let me introduce the group of beshys ni Shine na nagpromise na 'we will always be at your side'
Im Chloe Nicole de Leon. Ang suplada at pinakamataray na beshy ni Shine. Dyosa at matalino.
Ayumi Agoncillo ang ate at tagapayo ng barkada. Mataray din like me. Oh and kapatid siya ni Elijah Agoncillo, yung famous basketball player sa school. Pogi pero mayabang. Ok na sana eh kaso mayabang.
Breanna Angelie Gonzalez, ang baby ng barkada! Wahahaha.. Yes baby ng barkada masyado pa kasing inosente sa mga ganap sa earth. Pero siya ang pinaka sweet sa barkada. Alam niya yung pampagood vibes ng bawat isa sa amin. May pagkamalamya pero palaban lalo na kung family or kami ang naaagrabiado.
Nikki Sanchez. Ang tagapagtanggol ng barkada. Aaminin ko na hindi ako yung pinakamataray sa amin kundi itong si Nikki. So yun nga pinakamataray at galit at ayaw sa mga bitch lalo na kung ang nilalandi eh property ng isa samin. Kapatid ng nagiisang Ice Sanchez ang dakilang lalaking walang emosyon sa harap ng iba. Heartthrob ng school. Isa pang gwapo pero isa ring mayabang.
Gusto ko icomfort si beshy Shine pero hindi ko magawa dahil alam ko kailangan nila ng pamilya nya ng time sa isa't isa.
Kaya heto ako nagmumukmok sa room ko. Wala kasi sila mama at papa ko. Nagdedate daw sabi nung maids. Ni hindi man lang ako kinamusta after a week na hindi nila ako nakasama. Sana umuwe na sila... waaaa!!!
Shine's POV
*knock*knock*
Hmmmm.... sino kaya ang nanira sa beauty sleep ko?
*knock*knock*
Aish! "Pasok..." inaantok kong sagot. Aga aga kasi mambulabog.
"Ate! May bisita ka sa baba" huh? Eh wala naman akong expected na bisita ah? Baka bwisita
"Sino daw?"
"Si Dave"
"SABIHIN MO UMALIS NA SIYA DIKO SYA KAKAUSAPIN. AT WAG MO SIYA PAPUPUNTAHIN DITO SA ROOM KO! MALIWANAG!"
"Pero ate....."
"Sab please..."
Nung narinig ko nang nagsara ang door ng aking precious room, sumilip ako sa bintana, nakita ko si Dave sa garden area na nakaupo at lumabas si Sab. Nagulat ako sa biglang pagluhod ni Dave mukang nagmamakaawa sya kay Sab.
Sab pls wag mo sya papapasukin dito...
*knock*knock*
"Sweetie are you okay?" si dad.
"Y.. yes dad"
"Gusto mo ipatawag ko yung security para tumigil na sya"
"W--Wag na po dad." humihikbi kong sagot kay dad.
Niyakap na lang ako ni Dad.
"Shine! Pls! Alam ko naririnig mo ako please kausapin mo ako. I promise to make things right" umiiyak na sigaw ni Dave
Should I really give him a chance?
"Sweetie? Oh, honey nandito ka pala" si mom.
"Sweetie i think you two should talk. If hindi mo sya mabibigyan ng chance well atleast give him a closure"
"Pero Irene hayaan mo muna si Shine"
I sigh tama si mom kundi chance well atleast a closure
"Dad, mom is right. I'll talk to him"
"Ate ayaw talaga umalis ni Dave"
"I'll talk to him Sab"
Paglabas ko sa maindoor ng aming mansion nakaluhod si Dave at nang makita niya ako agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Dave...."
"Shine please...."
"Dave let's just end this. Alam ko ayaw mo na sa relasyon natin dahil your not satisfied nor happy. Hindi ganitong relationship ang gusto mo diba? Gusto mo katulad ng nagagawa ni Crystal. Kaya nga ang cold mo sakin ng 3 weeks diba? Kasi inuunti unti mo akong kalimutan at simulan mahalin si Crystal dahil naibibigay niya lahat ng gusto mo" umiiyak kong sabi sa kanya
"Shine hindi. Gusto ko and im happy on what we have. Im sorry kung naging cold ako sayo but i swear busy lang talaga ako nun. Yung nakita mo kahapon hindi yun totoo. Its all part of our dare. Mahal kita Shine."
Gusto ko na matapos to at mag give up. Pero i can't because i love him
"Shine pls! Give me another chance. I'll prove how much i love you Shine"
"Dave tapos na tayo kahapon diba? Im talking to you para ibigay yung closure. You don't deserve me. Im letting you go, your free. You can now have Crystal, atleast wala nang Shine ang magagalit sayo ang magseselos. You can do what you want. Wala nang Shine ang kokontrol at magtatanong sa bawat galaw mo Dave."
"No. Hindi pa tayo tapos. I know galit ka lang at nasasaktan kaya mo yan nasasabi. I know you still love me Shine"
" Just leave Dave. Please."
"No Shine. I wont leave until you give me another chance" nakaluhod na si Dave
Lord pls give a sign to still love him....
"Shine..... please i really do love you"
"Dave" siguro last chance na lang.
"Okay Dave. " simple kong sabi"You'll give me another chance?"
"Yes Dave" "really?" Tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Sweetie, Dave why dont you go inside? Mainit dyan sa labas" sabi ni Dad.
Dumiretso kami sa room ko.
"Baby ko do you wanna go out? Let's have a date!"
"Im sorry Dave. I want to rest. Ang aga mo kasi mambulabog. Nasira tuloy beauty sleep ko"
"Hahahahahaha"
"Ano nakakatawa? "
"Wala naman baby ko. Pero bakit di mo pa din ako tinatawag na baby ko,?"
Psshh? Yun na yun? Ano nakakatawa don? Aba eh di ko feel na tawagin sya sa endermeant namin eh.
"Matulog ka na nga lang baby ko. Kakantahan na lang kita"
"Mabuti pa" nakatalikod ako kay Dave na humiga
"Aish! Baby ko! Sakin ka humarap!" Hahahahaha ang seloso naman ng baby ko! So ayun humarap na ako sa kanya
Tapos naghum na sya.....
Pero i cant sleep.....
-20 minutes later
Nag stop sya sa pag hum. Aishhhh!!! Nakakainis talaga kahit kelan tong si Dave ni hindi pa nga ako nakakatulog tapos mag iistop na sya? Aisshh
"I love you baby Shine ko. Tandaan mo na hindi kita iiwan. I will always be at your side. Always baby ko" ang sweet naman ng baby ko. ^_^ naghum ulit siya.
"I love you too Baby ko^_^" sagot ko sa kanya. Ngumiti sya at nagpatuloy sa paghum hanggang sa makatulog ako.
------------------------------------------------------
Pls vote and comment. Thankiiie
YOU ARE READING
When Ms Bitter Falls Inlove❤
Teen FictionA girl who fell inlove with the wrong person. A person who make her worse. A person that made her heart not to love again. But suddenly she will meet someone. Someone who will make her happy. Will she open her heart again? Completed: March 2018 Bo...