Chapter 19: Panliligaw (part 1)

171 12 0
                                    

Elijah's POV

Pano ba manligaw? Ano ba ang mga dapat at hindi dapat ibigay sa taong nililigawan mo? Tuwing kelan ka dapat magbigay ng ganon?

Hays. Andame naman tanong na pumapasok sa isip ko. Hindi naman kasi ako nanliligaw eh. Babae kasi ang nanliligaw sa akin.

Ayon naman sa mga napagtanongan ko ay flowers, chocolates and stuff toys ang kadalasan nila ibinibigay sa mga taong nililigawan nila.

Pero iba naman ang sinagot sakin ni dad nung one time na nagtanong ako.

Flashback

Me: dad, ano po ba ang usually ibinibigay ng manliligaw sa nililigawan?

Dad: kadalasan puro flowers or chocolates. Pero mas maganda kung pinag effortan mo like tula kung saan maie express mo ang pagmamahal mo saknya.

Me: nyeh. Di naman po ako marunong sa ganyan.

Dad: ikaw bahala. Suggestion lang naman. Sabi ko nga, mas maganda kung ang ibibigay mo ay yung pinag effortan mo talaga. Para naman malaman niya na talagang seryoso ka sa kanya.

Me: okay dad. Thanks.

End of flashback

Well, last try ko na si Yumi and Sab. Tutal sila ang malapit kay Shine at sa tingin ko ay maraming alam tungkol sa kanya.

*knock*knock*

"Come in"

"Hey baby sis. "

"Oh, kuya. Why? "

"I'll just ask something. "

"About what? "

"Shine. "

"Ohhh.. myyy... ggggggiiiii" at tumili ang aking sister.

"Hey, hey calm down Yumi"

"So, what do you want to know about her? "

"Well, ano ba yung mga gusto niya? Or mga pede kong ibigay as her manliligaw? "

"Uhmmm... " at inilagay niya ang hintuturo niya sa baba na para bang nag iisip.

"Well flowers will do. Or chocolates, it's her favorite. "

"Okay. "

"Ahh. Wait wait. I'll just look for the scrapbook. Nandoon yung all about Shine eh. "

Tapos pumunta sya sa study table at nagsimulang maghalungkat.

Well nagdadalawang isip na ako kung ano ba ang ibibigay ko. Dad's suggestion is good  but flowers are good too.

"Ahah. Here it's "

Inabot sakin ni Yumi ang isang scrapbook entitled:

All about SUNSHINE NICOLE FUENTES GALVEZ

"Anong gagawin ko dito? "

"Aish. Si kuya naman oh, malamang tips yan. Baka may makuha kang tip na makakatulong sa panliligaw mo."

"Okay. "

"Papaheram ko sayo yan pero ibabalik mo din agad sakin ah. "

"Why? Di ba pedeng akin na lang? "

"No way. Remembrance ko yan kay Shine. Magpagawa ka sa kanya kung gusto mo ng copy. "

"Joke lang naman. Sige una na ko. Magpa plano pa ako. "

"Sige kuya. Ingatan mo yan ah"

Buong araw ay binasa ko lang ang scrapbook. Nag notes pa ako ng mga favorite ni Shine like sa favorite ulam, flavor, places. Tapos ng mga wishlist niya like wish niyang bagay na matanggap or place na mapuntahan.

When Ms Bitter Falls Inlove❤Where stories live. Discover now