Chapter 14: Hindi ako bitter

175 7 0
                                    

Yumi's POV

Pagdating naman sa bahay agad kong tinawagan si Shine. Lagot ako sa kanya dahil hindi ko siya sinipot kanina. Eh kasi naman si kuya kasi eh... haaayyysss.. iba talaga pag may sweet, caring, loving and thoughtful brother.

Calling Sunshine Nicole...

"Ow? "

"Biii sorry di na ako pumunta.. "

"Tss. As if may magagawa ako. "

"Ambitter mo naman ata Shine"

"Hindi ako bitter duh"

"Okay fine. Nag kaayos na kasi kami ni kuya kaya di na kita sinipot. "

"What took you so long to call me and inform me na hindi ka na pupunta? "

"Im sorry Shine. Eh si kuya kasi eh.. "

".... "

"Okay ganito kasi yun. Nahuli ako ni kuya na pupunta dyan then he stopped me then we bond sa shore kanina. Kakauwe nga lang namin eh"

"Tss.. oo na. "

"Sweet ni kuya nuh"

"Tch. Sweet nga pero may kapatid na hadlang. Kawawa naman yung magiging girlfriend ni Elijah may kaagaw sa atensyon... "

"Grabe ka naman sakin Shine. Wag mo naman kami idamay ni kuya sa bitter life mo. "

"Hindi nga sabi ako bitter eh.. "

'Yumi gusto mo puntahan natin si Shine para makapag usap kayo ng maayos'

'Sige kuya'

"Uhm Shine punta daw kami dyan ni kuya"

"Wag na. "

"We're on our way Shine"

"Bahala kayo dyan. Di niyo naman ako makikita eh.. hahaha bye Yumi. "

"Teka---"

Ano ba naman yan si Shine. Ang laki laki ng resort. Pano namin mahahanap yon.

"Yumi? "

"Ay kabayo. Bakit kuya? " nagulat naman ako kay kuya...

"Let's go? "

"Ahh ehh.. wala daw si Shine sa hotel eh. Malamang nasa shore"

"And? "

"Kuya naman eh. Alam mo ba gano kalaki resort nila? As if mahanap natin siya"

"Hahahaha. Don't worry baby sis. Mahahanap natin sya"

"Okay. Sabi mo yan kuya ah. Bihis lang ako"

Shine's POV

Hahaha. Bahala si Yumi. Hayss wala talaga kasi ako sa mood na makipag usap sa kahit kanino.

Nandito ako ngayon sa dalampasigan.. nagmumuni muni muna ako since nasa vacation naman kami.

Buti pa si Sab may pinagkaka abalahan sya dito, well she's trying to manage the resort, sya kasi ang magmamana ng business namin and im taking mom's place sa hospital na may shares kami.

Ang dami namang couples na nandito. Kahit gabi na ay may couples na nakatambay pa. Yung iba naghahalikan, yung iba parang nagmamasid lang sa langit, yung iba naman nagtatawanan.

Tss..

"Walang FOREVER. Magbibreak din kayo" sabi ko sa sarili ko

"Bitter mo naman Shine. "

When Ms Bitter Falls Inlove❤Where stories live. Discover now