Prologue

260 6 3
                                    

I am supposed to be alone..

I have to cry my heart out..

But then, I found these creepy-looking forest behind our school campus..

But what really lies behind its creepiness is paradise..

Untouched nature..

No pollution..

Fresh air..

How come I never saw it before?

I walked and walked, and then I saw this human-sized, black hole inside a giant rubber tree..

Is that even possible?

And before I knew it..

Darkness swallowed me whole..

I woke up surrounded by ancient looking people, well based on their clothes..

Hija, ikaw ba ay ayos lamang?” Asked by one old lady which I think in her 60’s already..

Teka. Ang lakas ko makaenglish pero nagtatagalog ako. Okay sorry people. I’m a Filipina okay? Pinapractice ko lang English ko. Saka depress ako! Ginago ako eh!

“Ah. Opo. Ayos lang naman po ako..” Inalalayan akong tumayo ni Ale. Maraming tumitingin sa direksyon namin ng Ale. Dahil solid makapagtagalog si Ale, magtatagalog na lang ako.

“Ah, mawalang galang na ho ah. Pwedeng magtanong?”

“Ano iyon?”

“Bakit sila nakatingin sa’tin?” Tinuro ng ale yung katawan ko. Napatingin naman ako sa katawan ko. Oh? Anong mali sa suot ko? Nakacheckered na red long-sleeved ako tapos nakatuck-in sa skater skirt na black. What? It’s cute kaya! Isama mo pa ang black boots ko. Pinabalik kasi kami sa school ngayon para kumuha ng grades. Saka summer naman ngayon eh.

Dun ko napansin yung mga suot nila. Nakasaya sila. Tapos yung damit nila parang long sleeve na maluwang.. Yung pangcostume sa mga folk dance. Don’t tell me?

“Ah, ate. Pwedeng magtanong ulit?” Tumango lang siya.

“Anong henerasyon ‘to? Bakit ganyan mga suot niyo? Anong taon na ho?”

“Taong isang libo, siyam na raan at labing apat na ngayon hija.”

Sandali.. Ang lalim nung sagot ni Ale. Isang libo. 1000. Siyam na raan. 900. Labing-apat, 14. So, kung iaadd ko lahat. May 1,914 ako. in short. 1914 ang taon ngayon.

1914?!

Are you freaking kidding me?!

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon