Epilogue

96 3 0
                                    

Epilogue

Alam mo yung pakiramdam?

Yung naghihintay ka..

Naghihintay kang makauwi sa bahay, sa kwarto mo..

Humiga sa kama mo at kalimutan nalang lahat ng nangyari sa’yo..

Yung feeling na desperado ka at makakahinga ka na ng maluwag..

Wala namang mali..

Wala ring tama..

Pero pagod ka na sa kakahintay..

Pagod na lagi ka nalang naghihintay at umaasa..

Pagod na subukang kalimutan siya..

Pero ngayon, gusto mong maging madali ang lahat..

Maging simple at matulungan ang iyong sarili..

Pero alam mong hindi mangyayari yun..

Pero umaasa ka pa rin..

At nananatiling matatag at lumalaban.

Tapos ngayon..

Magpapakita siya sa’kin? Nahihirapan na’ko. Pero siya ayun, nasa entablado, nagpapasaya sa mga fans niya.

Masisisi niyo ba’ko? Eh sa nakikita ko siya sa imahe ng ibang tao. Hindi, ibang katauhan pala pero ang kanilang mga itsura’y iisa lang.

Kaya eto ako ngayon, nagtatago na naman sa lahat. Takot na harapin ang kahit sino. Mahal ko ang bakulaw na yun, hindi na magagawang palitan yun agad-agad.

Pero isang solusyon lang naman ang dapat kong gawin.

Yun ay ang kilalanin siya. At kung may nalalaman ba siya.

Kapag wala. Bahala na.. Gagawin ko ang lahat para makalimutan siya.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon