Chapter 5 - Familiar Faces

140 4 0
                                    

Chapter 5 – Familiar Faces

Nabato ako sa pinagtataguan ko.

“R-riz?”

“Riz? Naku hindi Riz ang aking pangalan. Rica.”

Namamalik-mata lang ba talaga ako?

Blink.

Blink.

Blink.

Hindi siya nawala.. Rescue ito! Siya ang bestfriend ko. Napatayo ako at yinakap siya.

“Bhez. OMG! Anong ginagawa mo rito? Alam mo ba kung paano makakauwi?” Sunud-sunod kong tanong sa kanya. Yakap-yakap ko siya ng mahigpit.

“T-teka lang seniorita.” Binitawan ko siya at ang laki-laki ng ngiti ko. Nakatingin lang siya sa’kin na parang nawiweirdohan sa kilos ko. Iba man ang suot niya, pero siyang-siya pa rin kahit sa kilos.

“Seniorita.. Anong bhez ang iyong winika?”

“Rissa, makakalimutin ka na ngayon? Ikaw kaya nakaisip ng tawagan na yun!” Pagkukumbinsi ko sa kanya.

“Hindi ko mawari seniorita. Hindi ho ako si Rissa. Rica. Rica ang aking ngalan.”

Natigilan ako.

Pinakatitigan ko siya. Oo nga, kamukha niya si Riz, pero may pagkakaiba pa rin. Napakahinhin nito. To the highest level.

Napaupo ako sa damuhan at napaiyak. Wala na ba talagang pag-asa na makakabalik ako?

“S-seniorita? Ayos ka lamang ba?”

“Nikki nalang. Oo okay lang ako. Sensya, ang emo ko.”

Nilahad niya yung kamay niya. Kinuha ko ‘to saka niya ko hinila patayo. Pinagpagan ko ang suot ko na nadikitan ng mga damo.

Naglakad siya papunta sa loob ng barnhouse. Tumingin siya ulit sa’kin saka ako sinenyasan na sumunod sa kanya. Ngumiti siya sa’kin. Yung innocent smile na paboritong-paborito ko. Ngumiti nalang din ako sa kanya saka sumunod sa kanya.

Nakaponytail ang buhok niya. Pareho kami ng bestidang suot, off-shoulder pero may strap pa saka kulay asul ang kanya. Tapos nakasandals lang siya.

Pagpasok ko sa barnhouse, nabigla ako sa nakita ko. Hindi pala ‘to isang barnhouse na punung-puno ng farm animals. Parang breakfast house ‘to. Although may mga display na kagamitan para sa bukid saka mga pictures ng mga kalabaw, kambing, etc.

May iilang tao na sa loob. Halos mga matatanda na nagkakape. Nakita ko si Rica na sumenyas sa isang lamesa. Pinuntahan ko siya dun.

Nakaupo na siya at nakangiti habang hinihintay ako kaya binilisan ko. Pinaupo niya ko sa tapat niya.

“Pagmamay-ari namin ang kainan na ito. Pero malakas talaga ito tuwing umaga dahil pang-almusal ang aming hinahanda.” Tumango ako sa kanya.

“Anong nais mong kainin? Libre ko na ito.”

“Ha? Naku hindi na. Nakakahiya naman sa iyo.”

“I insist..”

Napanganga pa’ko sa kanya dahil marunong rin siya mag English.

Ang sama ko ba? Para kasing tingin ko sa mga tao rito hindi talaga marunong eh. Sorry naman. Ako na kasing judgmental. =__=

“Okay. Um, may pandesal ba saka hot chocolate?”

“Yan ang pinakamabili rito. Oo, yun na ba ang iyo?” Tanong niya sa’kin. Tumango lang ako sa kanya kaya sinabihan niya yung isang waitress.

“So Nikki? Right?”

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon